|
|
| Richard Gomez to try luck in politics again![]() Author: Fidel Jimenez Excited na raw si Richard Gomez sa pagbabalik ng kanyang game show na Family Feud. Pero bukod dito, may iba pang pinaghahandaan ang aktor - ang pagsabak muli niya sa pulitika. Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi nito na naghahanda na si Richard sa pagtakbo niya sa May 2010 elections bilang kongresista sa ika-apat na distrito ng Leyte kung saan nasasakop ang Ormoc City. Full support naman ang pamilya ng kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez na residente ng Ormoc. "In fact ayoko talagang pumasok sa politics noong una pa lang. Siyempre ayoko namang guluhin yung family nila (Torres) doon, pero it was the father of Lucy who gave the blessing. Sabi niya, 'wala talagang mangyayari rito sa Ormoc, let's try to do something about it," kuwento ni Goma sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Tungkol sa kanyang games show, sinabi ni Richard na 26 na linggo ang kanilang hinintay para makabalik ang Family Feud. "Parang ang tagal naman ng paghihintay na 'to. Naghintay kami ng 26 weeks, ang tagal," pagdiin ng actor/host. Mas gusto raw ngayon ni Goma na mag-host ng game show kaysa maging dramatic actor. "Ito ang mga gusto kong show, very light...walang puyatan," natatawa niyang pahayag. Source: GMANews |