|
|
| Richard Gutierrez, Annabelle Rama babanat pa rin vs. PEPAuthor: Tonee Coraza MATINDI ang pag-alma ng mga tagahanga ni Richard Gutierrez dahil na-dismiss ang kasong libel na isinampa nila ng inang si Annabelle Rama laban sa PEP. Dapat daw ay pinag-aralan muna nang husto ng korte ang merit ng rek-lamo bago ito pinawalang-bisa. Mula sa kampo ni Richard, nalaman naming iaapela nilang mag-ina ang kaso. At puspusan silang lalaban para mabigyan daw ng leksyon ang PEP sa ma-lisyosong balita nito. * * * TULAD ng Dapat Ka Bang Mahalin ay top-rater din ang All My Life nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Totoo ka, malaking threat nga sila sa Marian Rivera-Dingdong Dantes loveteam na sa ngayon ay pinaghiwalay muna ng GMA7. Wala pa ngang isang buwan sa ere ang All My Life ay humihirit na kaagad ng panibagong teleserye ang fans nina Aljur at Kris. Kesyo dapat daw ay sa kanila na lang ibigay ang Pinoy version ng Koreanove-lang Full House dahil bagay na bagay raw sa kanila ang lead characters nito. Ayaw ni Ri-chard Gutierrez nang ganyan na nakatakdang magbida sa Full House pagkatapos ng Zorro. Kung matatandaan, nagkaroon dati ng alitan sa pagitan ni Chard at Al-jur noon. Pero nagkaa-yos na ang mga ito early this year. Huwag naman silang pagsabungin ulit ng mga fans. * * * MATAGUMPAY na binuksan ang first SM outlet ng Cory Quirino World of Wellness sa SM Fairview last week. Ito na ang pangatlong branch ng WOW after Virra Mall, Greenhills at Escondido Hotel, Boracay. Kilala bilang beauty and wellness guru of the Philippines si Cory Quirino at masaya niyang ibinalita na 70 percent ng kanilang beauty and wellness products sa kanyang WOW store ay gawa mismo sa 'Pinas. Highly re-commended niya ang Beyond Beauty Virgin Coconut Oil. Mismong si Ara Mina raw ay regular customer ng WOW. Source: Taliba |