|
|
| Richard Poon not bothered by comments of his being "soft"![]() Author: Archie de Calma Pinuntahan pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Richard Poon sa regular set niya sa Fuente Circle ng Eastwood, Quezon City, para makapanayam, at nasaksihan na rin namin kung gaano katindi na ang popularidad na nae-enjoy ng Filipino-Chinese who's taking the local music industry by storm. WEIRD RICHARD. "When I was younger, tinatawag akong weird ng mga kaibigan ko. Noong mga bata pa kasi kami, new wave ang uso, puwede ring pop. Pero, ako, lahat ay pinapakinggan ko. "Pop, R&B, salsa, new wave, jazz, rock... Pinapakinggan ko lahat 'yan. I love music in whatever form. Gusto ko yung mga kakaibang kanta na hindi naa-appreciate ng ibang friends ko," sabi pa ni Richard, nang tanungin namin kung bakit style ni Frank Sinatra ang gusto niya, na hinaluan na ng makabagong pop. Doon na-realize ni Richard ngayon na dahil sa ganoong kagustuhan niya sa musika, mas marami ang nakaka-aapreciate sa kanya sa kasalukuyang panahon. "Sobrang exciting nga raw akong panoorin," aniya pa. "Lagi raw may bago sa akin. Natu-twist ko yung standards. At yung bago ngayon, nagagawa kong standard, gaya ng 'Irreplaceable' [by Beyonce Knowles], and even yung 'Low' [by Florida featuring Tpain], who would ever think na pupuwede sa style na standard ang mga kantang 'yan?" Ang nagbe-benefit ngayon nito ay ang creativity mismo ni Richard dahil sa pagkahilig niya sa iba't ibang klaseng musika. "I can arrange. Alam ko yung chord, kung paano ayusin ang kanta. Maski sa 'A.S.A.P.' last week, ibinigay sa amin yung mga kanta ni Gary Valenciano, ipina-arrange nila sa amin ni Homer Flores. "After the Gary V medley, lumapit sa amin yung isa sa staff ng A.S.A.P., gandang-ganda sila sa areglo. Thank you lang ang nasabi ko, pero masayang-masaya ako. "Yun ang turf ko. I'm also a musician, not just a singer. Nagbe-bass ako, naggigitara, nag-a-arrange, nagku-compose. I can say na malalim ako pagdating sa music," nasabi na lang ni Richard. VALERIE LIKES HIS BEING "SOFT." Nilinaw niyang hindi pa siya married, very much single, kaya naman nali-link na rin siya kung kani-kanino. Nariyan ang chika tungkol sa kanila ni Valerie Concepcion. Incidentally, magkakasama sina Valerie at Richard sa isang show sa Zirkoh this October 18 together with Jed Madela and Mariel Rodriguez. "I think Valerie mentioned me and Hansen of Pinoy Dream Academy as two singers na very attractive sa kanya. Wow! Kasi raw, parang soft kaming dalawa. "I'm flattered. Valerie is Valerie. Sino ba naman ako para pansinin? Kung makikita ko si Valerie, pasasalamatan ko siya. Ang ganda-ganda niya, and yet, napapansin niya ako. "Yung soft, hindi ko naman tine-take negatively yun. Kasi, totoong may pagka-touchy ako, na yung iba kong friends, sinasabi nila na hindi ako dapat ganoon dahil pupuwedeng ma-misinterpret yun ng mga babae, na parang may gusto ako sa kanila. "Ginagawa rin naman ng ibang lalaki yun sa ibang babae. Pero, sabi ng friends ko, hindi raw softness yun. Gentle ang tawag doon. Kasi, lalaki pa rin daw ang dating ko kaya puwedeng ma-misinterpret ang mga paghawak-hawak ko," nasabi na lang ni Richard. RESPECTED BY AI-AI. Isa pang aliw na aliw sa kanya ay si Ai-Ai delas Alas. Nang minsang magkasama sila sa show, na-appreciate niya yung jokes sa kanya ni Ai-Ai. "Hindi naman bastos, e," sabi pa niya. "I'm very fond of Ai -Ai kasi nararamdaman kong nirerespeto niya ako. "Magkakasama nga kami nina Ai-Ai at Sitti sa isang concert, yung Rhythm and Bossa. With Ai-Ai, I'm just being myself, shy and conservative. Ai-Ai respects me, sa totoo lang. Feeling ko kahit baguhan ako mataas ang respeto niya sa akin, kaya naman nirerespeto ko rin siya as a comedienne," naipahayag pa ni Richard. Australia-bound si Richard this October 5 for a show in Sydney, Australia, kasama sina Cesar Montano, Nikki Gil and Pooh. Ang Rhythm and Bossa ay mapapanood sa SM Megamall this coming October 25. Source: Philippine Entertainment Portal |