|
|
| Richard at Dingdong, magpapataasan ng ihi!![]() Author: Alfie Lorenzo Bongga naman ang ipinatawag na presscon ng bagong editor ng S magazine na si Wilson Lee Flores na sa dami ng dumalong mga inimbita ay lumiit tuloy ang Cesca Wine Cafe sa Il Terrazo mall, Tomas Morato, sa tapat ng Belo Medical clinic. Uncomfortable ako sa loob ng Cesca Wine Cafe lalo na at no smoking doon. Kaya lumabas ako para mag-smoke. Na nakabuti naman, kasi na-meet ko ang poging manager ng Cesca na si Perry Quimbo na kasing-macho ng mga Survivor at Fear Factor guys! Kunin ko kaya siyang talent ha, Wilson? Napatunayan naming well-read and well-loved din si Wilson (like me, hehehehe!) dahil sa dami ng mixed crowd na inimbita niya. May businessmen, may Mormons, etc. In fairness, ang laki ng inimprub ng S magazine mula nu'ng si Wilson na ang humawak. Nagkaroon ito ng sariling image, unlike before na para lang “one of those” cheapipay na magasin trying to compete with the glossy mags. Now, S magazine can very well stand side-by-side with that of Yes! magazine, and Star Studio na malaki rin ang improvement (una na ang Star Studio logo na swak sa gusto namin) and the inside contents, congrats too kay Biboy 'Flowerful' Arboleda! Though hindi namin natanong si Wilson about the presscon and why, sabay nga na naideliber whatever the purpose was. Naipakilala ni Wilson ang sarili as the new editor of S magazine at launching din ng panibagong career ni Karylle. 'Yung nakalimutan naming itanong ay kung bakit si Lolita Solis yata ang PRO ng magkaribal na Marian Rivera at Karylle? If at all, two birds with one stone na naman si Lolita ha -- siya na ang go-between ng dalawa kay Dingdong Dantes? Ha! Ha! Ha! Ha! Bakit kaya hindi rin kunin ni Annabelle Rama si Lolit para wala nang competition kina Dingdong at Richard? Bwahaha!!! Kaagad nga kaming umalis sa venue ng presscon kasi gutom na ang mga bisita ko from Brooklyn, New York. Ang pinsan kong co-fine arts ko sa UST na 41 years ko na ring hindi nakikita mula ng manirahan sa New York City, my favorite city pa mandin. Kaya humantong ang lunch namin ng pinsan kong si Efren Canlas at Uncle Roberto Castro sa Heaven & Eggs dahil nga may smoke while you eat. And just imagine ang bill namin ng abutan kami ng 7 p.m. sa Heaven & Eggs at lumayas lang kami ng dumugin na kami ng mga tindero ng pirated tapes, manggang hinog, flowers, at mga 'pang-kain lang po, sir'! Sa review namin ng mga VHS tapes namin sa “Eye To Eye” na tina-transfer namin sa DVD, one of the best episode namin ni Inday Badiday 'yung October 16, 1995. Siksik ang contents ng petsang 'yun. Nanduon ang filing of the libel case ng mag-asawang Annabelle at Eddie Gutierrez, versus Cristy Fermin, 'yung sinita ni Mina Aragon-del Rosario ang umiiyak na Vina Morales kung pinabayaan ba siya ng Viva Films, promo ni Richard Gomez ng pinakapaborito kong pelikula niyang “Dahas”, at 'yung naipon ang mga dati kong mga alaga na sina Rosanna Roces, Anjanette Abayari, na nagkumpirma nang pagkawala nila sa aking poder, sina Sheryl Cruz at Manilyn Reynes, Princess Punzalan na nagbunyag na may iringan din pala sina Inday at Willie Revillame, si Pia Pilapil na nagkuwento tungkol sa mister niyang si Gerry na taga-6th avenue, Cubao malapit sa 8th avenue naming Liberty street, sina Jeric Raval at Danny Ramos na nag-plug din ng respective movies nila. How I wish na magkaroon uli kami ng show wherein mailalabas ko ang mga tapes na 'yun para malaman ng mga bago pa lang sa showbiz at mga fans ng mga baguhang nailunsad na di nakakaalam sa matinik naming rekord at mabibilang lang sa daliri ng dalawang kamay ang mga artistang hindi nagdaan sa mga palad namin. Dahil sa mga tapes na ito, wow, ang sarap talagang magbalik-alaala, noh! When it comes to the launching of their new teleseryes, I would say hands down, winner talaga ang GMA 7 sa pag-iintrodyus nila ng bagong shows nila. Kaya nga ganadung-ganado akong um-attend ng mga presscons ng Siyete dahil nasusundot ang aking artistic talents, if only to find out kung ano na naman kaya ang idedesenyo sa stage ng presscon venue. And I tell you guys, never for once kaming binigo ng GMA sa ganda ng stage decor nila. Pati nga si John-John humanga sa mga naglalakihang bulaklak na foam noon sa “Luna Mystica” na type sana niyang mag-uwi ng isa pero di niya madala dahil sa laki! Nitong presscon ng “Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang” ay isang malaking sorpresa naman ang pinakawalan dahil live preview na in-act out nina Dingdong at Marian onstage. Ito 'yung live promo kumbaga ng trailer nila sa TV na akala mo eh live presentation nga na patikim lang naman. At kung ano ang ipinakita ng live onstage ay sinundan 'yun ng trailer na sa TV screen. Eksaktung-eksakto na parang duplicate ng orig. Ang ganda ng set na sinundan ng pagpapakilala sa lahat ng members ng cast na isa-isang bumaba sa stage and mixed with the press for their individual interviews ng table to table. Oh debah, ang organized ng presscons ng GMA 7. Hindi katulad ng mga tamad na namamahala sa ibang presscons na basta akyat na lang sa building at upo sa mesa and look at the presidential table sa mga stars na tinatanong ng malimit eh mga stupid and nonsensical questions! How so boring talaga! Mataas masyado ang expectations ng mga kalaban ng “Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang”. Eh, lampas-30% naman ang ratings nito na hindi naabot ng kalaban, masama pa ba 'yun? Take my word for it, habang patagal nang patagal ay mas tataas pa 'yang ratings niyan lalo na at papasok na ang “Zorro” ni Richard Gutierrez, eh di buhay na naman ang kumpetisyon. Kaya sina Dingdong at Richard na naman ang siguradong magpapataasan ng ihi -- este ratings pala! Ha! Ha! Ha! Papaano naman makakahirit ang iba diyan eh kulang na kulang nga sila sa leading men na leading sa ratings game? Meron nga silang sangkatutak na piggery, pero ni isa man ay walang may glow -- halos magkakasama sa isang bilao ng mga starless! You cannot even name one na may kislap, unlike sa GMA 7 na kung lima ang teleserye, lahat ng leading men ay all accounted for - bida lahat talaga! Eh, kasi they don't listen! Close ang mga mata at tenga nila sa wise observations namin kaya ang napapala nila ay pawang muta! Maghilamos na nga kayo, noh! Source: Abante |