|
|
| Richard at KC, Dingdong at Marian talbog kay LuisAuthor: Mercy Lejarde BILIB kami, Ian F. , sa pagiging honest ni Luis Manzano nang sagutin niya ang lahat ng tanong ni Boy Abunda sa The Buzz nang walang paliguy-ligoy. Si Toni Gonzaga raw ang pinakamatagal niyang niligawan. Si Anne Curtis naman ang unang girlash na kanyang iniyakan. Pero, si Angel Locsin ang, hopefully, babaing kanyang pakakasalan, etcetera. Sina Richard Gutierrez at KC Concepcion, Marian Rivera at Dingdong Dantes naman, hayaan na natin kung ayaw pang umamin, kahit obvious na obvious sa eyes at body language nilang sila na nga. * * * SI Anne Curtis din, kahit pinutakti ng tanong sa preskon ng Swatch, todo deny na nagkabalikan sila ni Sam Milby, itsura nang ibinuking sila ni Direk Wenn Deramas. Well, let's give her a little more time, tutal naman, ang ganda ng Swatch na suut-suot niya sa nasabing preskon. * * * MUKHANG lucky ang Year of the Ox kay Maja Salvador, dahil bukod sa gabi-gabi itong napapanood ngayon sa teleseryeng May Bukas Pa ng ABS-CBN, may bago pa siyang produktong iniendorso -- ang Sisters Sanitary Napkin. * * * THIS love month of February, i-expect na nating kaliwa't kanan ang shows at concerts. Kabilang na rito ang concert sa Araneta Coliseum ng tinatawag na Pop Icons composed of Piolo Pascual, Sam Milby, Mark Bautista, Erik Santos at Christian Bautista. * * * NALUNGKOT naman kami dahil tsugi na sa Pinoy Fear Factor ang poor boy from Tondo na si RJ. At least, hindi man siya nakarating sa final round ng PFF, natikman naman niya kung ano ang lasa ng dalawang daga na pikitmata niyang nilafang all for the love of his two kids and wife. * * * PERSONAL: Nais naming pasalamatan sina Sir Ronquillo, Rowena "Titser Weng" dela Cruz, Titser Rina, Titser May at Titser Rachelle ng St. Paul Educational Center sa Bago Bantay, QC, sa maganda nilang pakikipag-usap sa amin tungkol sa kaso ng five-year-old naming grandson na si Joshua Raphael Adman Guarin. At sa certain Titser Jingle Belmoro, sana huwag mo nang ulitin kahit kaninong bata ang ginawa mo sa aming apo, dahil ayaw ng human rights group at women and children's groups ng ganyan. In fairness kina Sir Ronquillo at Titser Weng, binigyan na nila ng kaukulang parusa ang Titser Jingle na 'yan, na sa tunog pa lang ng pangalan, tipong sanay na sanay na sa banyo, tsuk! Nagkaroon tuloy ng phobia, anxiety attack at palpitation ang aming apo dahil sa ginawa ng Titser Jingle na ito. Pabalik-balik kami sa doktor mereseng mabutas ang bulsa ng lolah mo, Ian F. 'Ika nga, bawal magkasakit ngayon, tsuk! Source: People's Tonight |