Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Richard at KC, naghihiraman ng mamahaling relos

Author: Nitz Miralles

KINILIG ang katabi naming reporter sa presscon ng You Changed My Life habang tinitingnan si John Lloyd Cruz na tinititigan si Sarah Geronimo.

Wish nitong sana, sila na in real life, pero sabi ng dalawa, masaya na tinanggap ang loveteam nila na ang lakas-lakas ng chemistry.

Napansin din ng katabi namin at aming sinang-ayunan na kung guwapo si John Lloyd nang nakaharap, mas guwapo ito 'pag naka-side view.

Sa February 25 na ang showing ng movie. Feeling ng press, malalampasan nito ang success ng first movie nila't mas nakakakilig ang mga eksena at palitan ng dialogue nina Laida (Sarah) at Miggy (John).

Wala si Rayver Cruz sa presscon. Sabi ni Direk Cathy Garcia-Molina, dagdag na palabok ang actor sa pelikula at sa istorya nina Laida at Miggy.

Hindi pala galing kay Rayver ang flowers na natanggap ni Sarah last Valentine's Day kundi sa isang American admirer named Keith.

* * *

HINDI nagkita last Valentine's Day sina Richard Gutierrez at KC Concepcion dahil may taping ng Zorro sa Bataan ang actor.

Pinadalhan na lang nito ng flowers ang kapareha sa box-office hit movie na When I Met U na noo'y may workshop sa ABS-CBN.

Samantala, second week na ng nabanggit na pelikula. Thankful sina KC at Richard, ang Regal at GMA Films, sa mga nanood. Wala pang one week, almost P100 million na ang gross nito at patuloy na pinapanood.

Isa rin kami sa curious makita ang super expensive Hublot wristwatch ni Richard na ayon sa research ng fans nila ni KC ay katumbas ng three cars ang presyo.

Platinum ang case nito at water resistant at ipinahihiram niya kay KC.

* * *

HINDI pala kasama si Nadine Samonte nina Glaiza de Castro, Jennica Garcia at Isabel Oli na nanood ng Love to Love to Love concert.

Sa Boracay sasama ang una pagpunta nila sa Feb. 26 at sasamahan sila ng boyfriend niya, hindi para magbantay kundi para umalalay dahil puro sila babae.

Treat nila ito after Gagambino na magtatapos na bukas.

"Mas importante sa akin may trabaho ako at 'di problema kung daytime o primetime ang show ko, pareho lang naman ang talent fee ko at ang ibibigay kong acting. Kailangan may regular show ako dahil may hinuhulugan akong condo unit sa may Ortigas," wika nito.

Kasama si Katrina Halili sa Gagambino, pero hindi ito naging close kina Nadine dahil sabi ng huli, may sarili itong mundo at 'di na nag-elaborate.

Magkumare ang dalawa sa anak ni Jennylyn Mercado at siguro naman, hindi nila pag-aawayan ang comment ni Nadine.

* * *

MAY problema si Prince Stefan, gumaganap sa role ni Aristotle, kapatid ni Dingdong Dantes sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

Na-stroke ang ina niya sa probinsya at kailangan niya ng malaking pera para sa pagpapagamot at therapy nito.

Malaking tulong ang TF niya sa Ang Babaing..., at guestings para masustentuhan ang ina.

Pasalamat si Prince na may trabaho siya at palaki nang palaki ang role na napupunta sa kanya at umaasa itong matuloy ang isang movie project para pandagdag sa pera niya.

Source: People's Tonight