|
|
| Richard at Lucy, namulot ng basura sa Boracay!![]() Author: Rey Pumaloy MISTULANG hari at reyna ng Santacruzan ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres sa 'clean up' activity para sa unang araw ng 14th Goma Cup: The Reunion, last Wednesday sa Boracay. Ang 'clean up' activity ang naisip na hakbang ni Goma para palaganapin ang 'clean environment awareness' sa mga lugar na pinupuntahan ng maraming tao, tulad nga ng Boracay. May dala-dalang plastic/trash bag sina Richard at Lucy, pati na ang mga participants na sina Martin Nievera, Paolo Paraiso, Marco Alcaraz, Gary Lising, Noel Trinidad at Geneva Cruz na naglakad sa tabing dagat para mamulot ng basura. Habang naglalakad sina Richard at Lucy ay sinusundan sila ng mga tao, na animo ay nasa Santacruzan sila. Kulang nga lang ay ilawan at tugtugan sila ng banda para masabing prusisyon at hindi 'clean up' activity ang nagaganap. Eh kasi naman, mala-Diyosa sa ganda si Lucy, na kahit walang make up ay lutang na lutang ang ganda. Si Goma naman ay guwapung-guwapo sa kanyang cowboy hat. Anyway, naaliw naman si Goma dahil nakibahagi ang mga tao sa Boracay sa pamumulot nila ng basura. 'Yun nga lang, halos hindi sila makapulot ng basura dahil sa mga nagpapa-picture sa kanila. Mahigit isang oras inabot ang 'clean up' activity nila. Sa mga oras na ito, nagsipagdatingan na ang mahigit 200 katao na kasali sa Goma Cup. Sa sosyal na Fairways and Blue Waters naka-check in ang lahat. Dalawang kategorya ang paglalabanan, ang golf at water sports activities. Mahigit sa isang milyong piso ang Omega watch na mapapanalunan ng overall champion, maliban pa sa mga trophies na yari sa crystal. Last Wednesday ay dumating na rin dito si Raymond Gutierrez na magku-cover para sa Showbiz Central. Hindi raw siya kasali sa kahit na anong event. Nandito rin si IC Mendoza na magku-cover naman para sa Juicy ng TV5. May kuwento tungkol kina Raymond at PEP editor in chief na si Joann Maglipon. Nagkasabay ang dalawa sa airport papunta rito sa Boracay, at kahit alam ng dalawa ang presence ng isa't-isa, walang gumawa ng hakbang para magkabatian sila. Hindi ba, kinasuhan ng kambal ni Raymond na si Richard ang PEP kamakailan? Anyway, magkahiwalay naman ang flight nilang dalawa, at nauna si Raymond na dumating sa Boracay, kesa kay Joann. At kahit panay ang tukso ng mga manunulat kay Raymond tungkol kay Joann, pangiti-ngiti lang si Raymond. Anyway, sa dinner cum get-together party noong Miyerkules ng gabi ay nakita namin sina Drew Arellano, Robert Ortega, Bernard Palanca, Jay Manalo, Arnold Clavio, Carla Humphries (nanalong Lady of the Night), LJ Moreno, Francis Ricafort, Domini at Joanne Santos-Primero, Jake Roxas, Nadia Montenegro, Ina Asistio. Siyempre, present din ang mga miyembro ng media na sina Pilar Mateo, Neil de Guia, Boy Borja, Lhar Santiago, Jerry Olea, Joe Barrameda, Allan Diones, Benjie Alipio, Ricky Gallardo, Ces Evangelista. Si Tito Douglas Quijano ang isa sa mga unang dumating dito sa Boracay, para i-welcome ang mga bisita. Sa nasabing party ay pormal na binuksan ni Richard ang Goma Cup. Ang bandang The Dawn ang tumugtog sa party. Siyanga pala, ang Len Plus, Inc. ang siyang event coordinator-producer ng Goma Cup. Source: Abante |