|
|
| Richard ayaw nang patulan ang detractorsAuthor: Tonee Coraza Mula nang sinagip ni Richard Gutierrez ang kanyang leading lady sa pelikulang Patient X na si Cristine Reyes from the flashfloods that devastated Provident Village, Marikina during the height of Typhoon Ondoy, lalo pa silang naging close ngayon. Katunayan, balitang nag-spend sila ng quality time together sa isang bonggang resort sa Subic kamakailan lang kung saan nag-jet ski sila with some friends. "My hero" nga ang tawag sa kanya ngayon ni Cristine at kapansin-pansin na pagpasok nila sa presscon ng Patient X na magka-holding hands sila. Habang iniinterbyu sila ng press ay naka-patong ang kamay niya sa hita ni Cristine at ganoon din ang kamay ng sexy actress sa hita rin niya. Is there more than meets the eye sa relas-yon nilang dalawa ni Cristine ngayon? "Well, Cristine and I had really been closer since the incident during typhoon Ondoy. We have been spending a lot of time together. We have experiences together through good and bad. Let's see where it will lead us. Sa ngayon, we're just enjoying ourselves being good friends," tugon ni Chard. Ayaw nang pag-usapan pa ni Richard ang tungkol sa napabalitang "airport incident" at ayaw rin niyang kausa-pin pa ang kanyang detractors na patuloy siyang pinupulaan at dina-down. Sa mga ganitong pagsubok sa kanyang buhay ay nalalaman daw niya kung sino ang mga tunay niyang mga kaibi-gan. "Nakikilala ko who my real friends are. I also get to learn the real people around me. I know my supporters are always there for me. Mahal ako ng fans ko. At mahal ako ng press kaya I don't need to say more," paliwanag ni Richard. May bonggang premiere might ang Patient X sa Oct. 25 sa SM Manila Cinema 4. Ito ay sa direksiyon ni Yam Laranas, ang mai-pagmamalaki nating Pinoy Hollywood director. * * * MULING mapapanood ang Fa-mily Feud ni Richard Gomez umpisa nga-yong Lunes sa GMA-7. This time may nationwide auditions na for families sa bawat sulok ng Pilipinas at lahat ng nakakapasa ay ililipad sa Manila for free with free accommodations din. Tuloy din ang pagtakbo ni Goma for a congressional seat sa 4th district ng Ormoc, Leyte. Nagdesisyon siyang tumakbo finally pagkatapos niyang makakakuha ng 52% approval rating sa survey. Eleven years na silang nagsasama bilang mag-asawa ni Lucy Torres at kahit minsan ay wala raw pinagselosan si Lucy sa kanya. "Hindi talaga siya selosa. Siguro dahil very secure siya sa akin. Sa totoo lang, ang ganda-ganda ng asawa ko. Wala talagang rason para tumingin pa ako sa iba," pahayag ni Goma. * * * SagupaAn na talaga to the max sina Michael V at Ryan Agoncillo sa kani-kanilang talent shows tuwing Sabado. Yes, nandito na ang Bitoy's SHOwwwTIME! na kakalabanin ang Ta-lentadong Pinoy" ni Ryan sa TV5. Ang pagkakaiba ng dalawa, mas malaki ang premyo na pinamimigay sa Bitoy's SHOwwwTIME! na tumataginting na P75,000 a week. At international ang coverage nito, hindi lang dito sa Pilipinas. Hindi pa rin mawawala ang funny videos na inaabangan lagi ng fans ni Bitoy. Sa segment na "Facemuk", puwedeng mag-upload ng hilarious videos ang kahit na sino sa www. bitoystv. com at ang mapipiling best video ay mananalo ng Canon video camera. Nandiyan din ang segment na "Videokariran" kung saan ang mga kababayan natin sa abroad (kaya international) ay puwedeng mag-upload ng kanilang one-of-a-kind performance! Source: Taliba |