|
|
| Richard, ayaw pag-usapan ang lovelifeAuthor: Nitz Miralles Sporty ang concept ng launching ng Gutz & Glory cologne at Slim Tee na parehong ini-endorse ni Richard Gutierrez sa Bench. Present sa event ang parents niya, siblings, co-talents sa Royale Era, fans at si Mr. Ben Chan at lahat sila'y pinasalamatan ng actor. "Having Gutz and sharing Glory is the best feeling in the world," wika ni Richard na ipinagmalaking kasama siya sa pagpili ng scent at bottle ng cologne. Para 'di kayo malito, ang Gutz in green bottle ay pang-araw na cologne at panggabi ang Glory in blue bottle. Kinumusta kay Richard ang kaso niya sa PEP at ang kaso ng inang si Annabelle Rama at SVP for Entertaiment TV ng GMA-7 na si Wilma Galvante. "Wala pa namang nangyayari as of now, I think may counter affidavit ang PEP. Tingnan na lang natin kung saan ito hahantong at 'di ko rin alam ang ending. I just want to know who is behind this, gusto ko siyang makilala. I have nothing personal with PEP, wala akong magagawa, I have to protect my name. Dahil sa nangyari sa mom ko at kay Ma'am Wilma, it makes me work harder and more focus," sabi ni Richard. Akala ng press, maka-ka-scoop na sa sagot ni Richard na "meron" nang ta-nungin ang kanyang love- life, pero nakiusap itong ibalato na lang sa kanya kung sinuman ang dini-date niya. 'Yan tuloy, nabitin ang press. "I don't want to talk about it, basta meron. Ang hirap kung walang love life, meaningless ang buhay, but I'd rather keep quite," sabi nito. * * * Kasama ni Paolo Contis ang nobyang si Lian Paz sa grand launch ng Sine Direk Series, kung saan, bida ang actor sa Litsonero sa direction ni Lore Reyes at showing sa May 20. Doing great ang four months relationship nila at proud si Paolo na masarap magluto ng adobo si Lian. Great woman daw si Lian and he's doing his best para ipakita sa 'di pabor sa relasyon nila na maganda ang impluwensya nito sa kanya. "Kawawa ang girlfriend ko. Naunahan lang ng first impression. Gusto kong iparating sa mga taong feeling part sila ng family ko na mas mababa pa sila sa (bawal isulat ang sinabi ni Paolo). I feel bad for them. Tapusin na ang pagsulat ng kung anu-ano. " Samantala, ayaw mag-spoiler ni Paolo sa mangyayari kay Rado, karakter niya sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, basta madugo ang sagupaan nila ni Homer (Dingdong Dantes). Ten hours kinunan ang isang eksena nila at masaya sila sa resulta. Natuwa siya sa sinabi ni Dingdong na sa kanya lang magpapabugbog dahil best actor siya. Friends daw sila at nagrerespetuhan at maganda ang samahan. Hindi rin nito itsinika kung ano ang mangyayari kay Rado sa pagtatapos ng nobela ni Carlo Caparas this week na! Source: People's Tonight |