|
|
| Richard bawal sumama sa mga alaga ni LolitAuthor: Dinno Erece KAY Richard Gutierrez lang hindi puwedeng maki-pagtrabaho ang mga alaga ni Manay Lolit Solis. Isa lang ang alaga ni Annabelle Rama sa Babangon Ako At Dudurugin Kita compared sa pito ni Manay Lolit and yet it was Annabelle who was present during the presscon. Biro niya sa amin nang nagsilapitan na kami, ang mga artista raw ang interbyuhin, hindi siya. May narinig lang kasi kami na tsika that she was quoted na hindi niya papayagan ang mga artista niya ma-kipagtrabaho sa mga artista ni Manay Lolit. Not true daw, kay Richard lang. Ang sinabi ni Ms. Annabelle, hindi niya papayagan na makatrabaho ang anak niya sa mga talents ni Manay pero may pasubali siya. Napakarami naman daw shows ng GMA, isa lang kay Richard, hindi naman daw siguro makakaapekto ito sa mga talents ni Manay. Of course, this can all change kapag nagkaayos sila ni Manay Lolit na hit-sura namang matutuloy pa rin sa ganoong klase ng en-ding. Sayang naman ang 30 years of friendship. * * * PASOK na rin si Mark Herras sa Holiday-Off. Matinding ayusan ng schedules ang gagawin sa first Starstruck ultimate male survivor dahil he is about to join the European cruise movie ng GMA Films na Holiday-Off (dating Love Cruise) dahil join ang love team nila ni Rhian Ramos sa Mark Reyes directed movie. Hindi lang sila ni Rhian ang addition to the main cast originally composed of Jolina Magdangal and Gabby Concepcion, pati na sina Rufa Mae Quinto and Eugene Domingo. Right now, tatlo ang shows ni Mark for GMA, ang Joaquin Bordado na part ng GMA Telebabad after 24 Oras, ang SOP every Sunday at ang Bubble Gang naman every Friday. Madali siyang mawala sa SOP at Bubble Gang pero we wonder how he can get out of the Robin Padilla - Iza Calzado soap dahil integral ang character niya bilang kapatid ni Binoe. Sayang, kung hindi nabuntis si Jennylyn Mercado, baka sila pa rin ang partner dito `no? * * * NGAYON pa lang daw naa-appreciate ng mga matrona at bading si Vhong Navarro. Binigyan ng solo press con ng Star Cinema si Vhong Navarro for their next movie for the year, ang Supah Papalicious where he co-stars with Makisig Morales and Valerie Concepcion sa direction ni Manong Gilbert Perez. Ipalalabas ito this Black Saturday, March 22. May nagtanong sa kanya kung sa tunay na buhay ay Supah Papalicious din siya not just sa paningin ng mga girls kundi sa mga matrona at bading. Medyo nagulat kami sa sagot niya na ngayon pa lang daw nga siya naa-appreciate ng mga 'older women' and gays. Noong bata raw siya, hindi naman daw siya lapitin ng mga ganitong tipo, downplaying his appeal. Kahit nga raw sa babae, kung ilang beses siyang nabasted at nagmukha nga raw itong hobby niya. Everyone disagree sa kawalan ng appeal ni Vhong dahil definitely meron naman pero ang sagot niya, baka ngayon lang daw ito napapansin. Supah Papalicious is Vhong's first movie for 2008. * * * TAPOS na ang nationwide audition ng Pinoy Idol. Thousands and thousands ang nag-audition all over the country in front of the prying eyes and ears of the three judges Jolina Magdangal, Wyngard Tracy and Ogie Alcasid. Following the successful auditions held in Cagayan De Oro, Cebu, Batangas, Davao, Ilo-ilo, Mega Manila, Dagupan and Clark, 178 Idol hopefuls lang ang nakalusot sa final lists na may chance pa to be part of the top 12 contenders. At eto pa, na-advance na ang pilot ng first ever Pinoy Idol na nabili na ng GMA sa Fremantle ang rights. Instead of April 12, by April 5, Saturday, magsisimula na ang show. Nagulat din kami sa announcement na ginawa ni Raymond Gutierrez, host of the show, last Sunday. Bongga ang teaser ng PI. As in, this April, the biggest talent search in the world comes to the biggest network in the Philippines. Cash prizes and a singing contract await the grand champion. Source: Taliba |