|
|
| Richard, dedma sa isyung gumigimik langAuthor: Nitz Miralles Ini-report sa Showbiz Central last Sunday ang mga artistang naapektuhan ng bagyong Ondoy at kabilang dito ang mag-inang Jean at Jenica Garcia na binaha ang bahay. Kuwento sa amin ng manager nilang si Manny Valera, lumusong ang mag-ina kahit hanggang dibdib pa ang tubig sa first floor ng bahay nila sa takot na lumaki pa ang tubig at umabot hanggang sa second floor ng bahay nila. Sa bahay ni Jennylyn Mercado pumunta ang mag-ina, pinakain at binigyan sila ng pampalit na damit hanggang sunduin ng mom ni Jean kung saan sila nakatira ngayon. Apektado rin sa baha sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na sa Pasig nakatira. Naalala naming gandang-ganda kami sa bahay nila nang ma-feature ito sa Yes!. Na-feature rin sa show ang pagliligtas ni Richard Gutierrez kay Cristine Reyes sa bubong ng bahay nito sa Provident Village, Marikina City. Deadma ang actor sa akusasyong gumimik siya para sa nalalapit na showing ng Patient X, ang importante, nasagip niya ang kapareha sa nabanggit na pelikula. Hindi kami sure kung na-report, pero binaha rin daw ang bahay ni Bearwin Meily sa isang subdivision sa Cainta. Marami pa sa mga celebrities ang binaha at sana, nasa maayos na lagay na sila ngayon. * * * Tuesday sa Stairway to Heaven, dadalaw si Cholo (Dingdong Dantes) sa beach house at 'di alam na narun din sina Jenna (Rhian Ramos) at Charlie/Tristan (TJ Trinidad). Hindi lang niya makikilala ang dalaga dahil naka-cap ito, makikita siya ni Jenna, pero dahil may amnesia, 'di siya makikilala nito. Ilalabas ni Cholo ang lungkot sa pagkawala ni Jodi sa pagtugtog ng piano. Narinig 'yun ni Jenna at lalapit sa pinaggalingan ng tugtog. Magkita na kaya sila ni Cholo? Source: People's Tonight |