|
|
| Richard, dedma sa mga intrigaAuthor: Leo M. Bukas WALANG panahon ngayon sa kung anu-anong intriga si Richard Gutierrez. Mas pinagtutuunan niya ng pansin ang promo at post production ng pelikulang Patient X with Cristine Reyes at ang kanyang TV special na Baha, Bahay, Buhay: Imbestigador Special Report na ipalalabas ngayong gabi sa GMA-7 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Sojo at 9:45 p. m. In fact, ngayong hapon ay guest si Richard sa Startalk para i-promote ang naturang TV special at ang Patient X. After ng kanyang guesting sa show, didiretso ang aktor kasama sina Cristine, Miriam Quiambao, TJ Trinidad at ang iba pang cast ng Patient X sa SM Valenzuela para naman sa mall tour promo ng pelikula. Dahil sa busy schedules ng aktor, he has no time para pansinin pa ang mga intrigang ibinabato sa kanya. Naku, mas maraming mga importanteng bagay na dapat asikasuhin si Richard kesa sa mga intri-gang 'yan. Do'n siya naka-focus," sambit ng isang malapit sa aktor. "Uunahin pa ba niya ang mga isyu kesa sa trabaho niya? 'Yung ginawa niyang TV special sa GMA-7, malaki ang maitutulong nu'n para makapag-create ng awareness sa tao kung paano tayo makakapag-handa sa kalamidad. Mas importante 'yon," dagdag pa niya. Meanwhile, ang Baha, Bahay, Buhay: Imbestiga-dor Special Report ay ang pinakabagong environmental special ng news department ng GMA-7 at tatalakay sa mga naging problema sa ating kapaligiran kaya naging matindi ang trahedyang idinulot sa atin ni bagyong Ondoy. Speaking of Patient X, impressive ang billboard ng pelikula na nakita namin along EDSA courtesy of Flawless na si Richard din ang endorser. We have yet to see the trailer para masabi namin kung kasing effective din ito ng kanilang billboard. * * * HINDI naiwasan ni Bea Alonzo ang mag-alala nang malaman nitong naaksidente ang co-star nitong si Sam Milby kamakailan. Napabalitang grabe ang natamong pinsala ng sasakyang van ng aktor. Sa kabutihang palad, hindi nasaktan si Sam. Nang marinig ni Bea (katambal ni Sam sa Your Song Presents Someone to Love) ang masamang balita, agad nitong kinontak ang hunk actor upang direktang malaman kung kamusta na ang lagay nito. "I was shocked nu'ng narinig ko, so I immediately texted him to make sure na walang nangyari sa kanyang masama. When he replied na okay naman siya, I was relieved. "But I still thought of his car... bago lang kasi 'yun, eh. Binili niya 'yun when we were doing And I Love You So. Sayang, dahil pi-naghirapan niya 'yun," kuwento ni Bea. Source: People's Tonight |