|
|
| Richard, 'di pa makapunta sa burol ng P.A.Author: Nitz Miralles HINDI natuloy lumabas ng Asian Hospital si Richard Gutierrez kahapon dahil may Samantala, nakatanggap uli kami ng K-text ni Ruffa Gutierrez at heto ang nakasaad: "The past few days I haven't been texting...pasensiya na. So much has happened that suddenly wala ako sa mood mag-text. I'm here at Nomar's wake now at St. Peter's Chapel in Q. C. There was a Mass at 8:30 p. m. which I attended. "Ang mga dumalaw ay sina Almira Alvares, Ana Roces, Ate Lotlot & Kuya Monching, Kuya Tonton (Gutierrez) & Glydel, Michelle Madrigal, Rhian Ramos, Assunta & Alessandra de Rossi, Gardo Versoza, Caridad Sanchez, Jackielou Blanco, mga kapamilya at kamag-anak. May Nomar's soul rest in peace. " Isa pang K-text ni Ruffa: "Just woke up...3 days na akong walang tulog, last night (Saturday) was the 1st time nakatulog ako ng mahimbing. 2nite (Sunday) at 8:30 p. m. there will be a Mass for our dear Nomar everyone from the Royal Era family will be present. " * * * School opening special ang mapapanood sa Hole in the Wall sa mga susunod na episodes para i-welcome ang mga estudyante at ang muling pagbubukas ng klase. Para mas masaya, sasamahan ng celebrity ang bawat team at siyang team captain. This Monday, UST versus University of Eastern Philippines (Samar) ang maglalaro at si Aiza Seguerra na UST student ang team captain at import team captain si Rochelle Pangilinan. Sa Tuesday, San Beda with Angelu de Leon as its team captain at Ateneo na si Iwa Moto ang team captain ang maghaharap. For Wednesday, maglalaban ang PUP with Daiana Meneses as team captain at PNU na team captain si Bearwin Meily ang maghaharap. UP at La Salle ang team sa Thursday at si Rich Asuncion ang team captain ng UP at Gian Magdangal naman for La Salle. Maglalaban sa Friday ang team na top scorer from Monday to Thursday ang maglalaban. Excited sina Ogie Alcasid at Michael V sa pagbabagong ginawa sa show na tinaasan na rin ang jackpot prize from P50,000 to P100,000 at magkasama ang students at celebrity. Natsa-challenge rin sila na hindi na si Kris Aquino, kundi Korean stars at series ang katapat nila. Samantala, ibinalita ni Ogie na sometime in June nila sisimulan ni Michael V ang shooting ng movie nila under APT Entertainment and GMA Films. Si Mike Tuviera ang director at writers ng Bubble Gang, direk Cesar Cosme at sila ni Michael V ang scriptwriters. Wala pang casting, pero may mga guest at gagawan nila ng soundtrack. * * * Two weeks to go na lang ang All About Eve at mag-kakaalaman na kung ano ang mangyayari sa main characters at kung happy ending ba ang love story nina Nicole (Iza Calzado) at Kenneth (Mark Anthony Fernandez). Mami-miss ni Iza ang mga kasama sa soap, pero mas mami-miss niya si Celia Rodriguez na naging close sa kanya't madalas silang magkasama sa eksena. Nakahanap daw siya ng isang ina sa actress dahil mabait ito sa kanya. Iwas-pusoy si Iza sa kanyang lovelife. Ayaw nitong pangalanan ang dini-date niya ngayon at ang sabi lang, masaya siya at ayaw niya itong i-compare sa ex niyang si Jerry Garcia. "He's a little bit older, single siya, he's not married. Saka na ang ibang details kung ready na ako. Ibalato n'yo muna sa akin ang tungkol sa kanya," pakiusap ni Iza. Mamaya sa AAE, feeling ni Katrina (Jean Garcia), magkakasama sila ng kanyang anak. Nagwala si Erika (Sunshine Dizon), lasing at nagbato ng gamit dahil nawalan ng show. Pinuntahan ni Alma (Eula Valdez) si Max (Gabby Eigenmann) at nakiusap na 'wag sabihin kay Katrina ang tungkol kay Erika. Pero, hindi naniwala si Katrina sa sinabi ni Max na nasa Japan ang kanyang anak. Nanghiram ng baril si Erika kay Max at sa birthday party ni Nicole, habang masaya itong nag-aasikaso ng bisita, dumating si Erika na may hawak na baril. * * * May audition ang The Bandstand (Manila Ocean Park Band Showdown) sa May 26 at 28, 1 to 4 pm sa Manila Ocean Park mismo. Ang competition sa mga makakapasa sa audition ay magsisimula sa June 5 at every Friday of the week at tatagal ng 13 weeks. Ang best band ay mananalo ng P200,000, gig contracts at record deal. Ang second placer ay tatanggap ng P50,00 at P25,000 sa third placer. Ang mga bandang sasali dapat lahat ng members ay Pinoy o may dugong Pinoy. Bukas ito sa professional at amateur bands, basta walang kontrata sa major label at dapat binubuo ang banda ng five to seven members. Finalists are required to perform cover songs in different genre at sumulat ng original song na magiging theme song ng Manila Ocean Park. Bawal ang hardcore music at dapat disente ang lyrics. For more details, call 567-7777 local 152 o 0916-u7424249 o 0922-7626246. Source: People's Tonight |