Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Richard gives mom sound advice

Author: Chit Ramos
Column: Tiyempo

SINUNOD ni Annabelle Rama ang payo ng anak niyang si Richard Gutierrez. "Napapabayaan ko raw ang mga talents ko dahil sa kaaasikaso ng mga dema-demanda diyan.


Mag-focus daw ako sa trabaho ko bilang manager ng mga talents ko at baka mapabayaan ko sila. Unfair naman sa kanila. Tama siya kaya sinunod ko. Kahit nag-e-enjoy ako sa kapupunta sa korte dahil marami akong natututunan, uunahin ko na ang dapat unahin," pahayag ni Annabelle."Mas marami nga palang magagandang bagay na pag-uusapan at ipagpapasalamat sa Diyos," dagdag n'ya. "Heto't ilo-launch na naman si Richard ng Bench para sa Gutz and Glory d/w Slim Tee sa Mall of Asia Centerstage Theater."Pauuwiin ko na rin si JC (de Vera) from Boracay dahil ilo-launch sa first week of May ang first project niya after the gulo. Sila ni Heart Evangelista ang magkasama. Hayan, maliwanag iyan.

Hindi nabuburo ang career ni JC at hindi rin siya nag-lalasing dahil sa kunsumisyon. Nahahanda siya para mas guwapong
JC ang makita ng lahat. Nagsasanay rin sila ni Heart sa pangangabayo dahil ito ang hinihingi ng role nila. Maganda ang project... Sharon Cuneta at Richard
Gomez starrer ito noon."

Bagong best friend

Pumayag si Sharon Cuneta na lait-laitin siya ni Ai-Ai delas Alas sa pelikula nilang "Best Friends Forever" na ipalalabas bilang Mother's Day presentation ng Star Cinema sa May 13."Idol ko siya," an'ya.

"Karamihan ng Tagalog movies sa I-Pod ko, sa kanya. Gusto ko talaga siyang makasama sa movie. Kaya nga masayang-masaya ako nang sabihing gagawa kami, at Mother's Day presentation pa. Isa si Ai sa nagpapasaya sa akin. Thank you BFF at natupad ang wish ko. Baka hindi complete ang showbiz life ko kung hindi ko makakasama ang bago kong best friend."By the way, open sa kanya ang show ko ("Sharon") this Sunday.

Magagawa niya ang lahat ng gusto niya. I-promote niya nang husto ang lahat ng projects niya, commercials, pati love life niya. Huwag lang niyang kalimutang banggitin ang pelikula namin na ewan ko kung masusundan pa pero dapat lang!"'

Gloria Romero sa Sine Direk

Dalawa sa anim na indie movies na kabilang sa Sine Direk ay nagtatampok
kay Ms. Gloria Romero.

Ito ang "Fushia" na dinirek ni Joel Lamangan at "Kamoteng Kahoy," mula naman kay Maryo delos Reyes.Considering na halos libre ang participation dito ng dating Queen of Philippine Movies kahanga- hanga ang performance niya sa trailer pa lamang na napanood namin sa Teatrino noong Biyernes. Sa "Fushia," makikita ang aktres na nagmumurang-kamyas, nakikipaghabulan sa kapwa thunder (matanda) niyang sina Eddie Garcia at Robert Arevalo. Ano'ng sinabi nina Kim Chui at Gerald Anderson sa mga sweet moments nila sa "Tayong Dalawa"?

Base naman sa true-to-life story ang "Kamoteng Kahoy." Beginning at ending lang ang participation ni Gloria. Siya kasi ang dakilang ina na nagluluto ng maruyang kamoteng kahoy

Source: Tempo