|
|
| Richard, ibinuking ni CristineAuthor: Nitz Miralles Ibinuking ni Cristine Reyes na mahilig siyang titigan ni Richard Gutierrez sa shooting ng Patient X. Sabi nito, nasa StarStruck palang siya, wish na niyang maka-trabaho ang actor at masaya siyang kahit wala na siya sa GMA-7, nakagawa pa rin siya ng pelikulang co-produced ng GMA Films. Ang Viva Films at IcedOut ni Richard ang dalawa pang producers ng movie. Samantala, mamayang gabi ang presscon/launching ng September issue ng FHM na si Cristine uli ang cover at ka-back-to-back si Robin Padilla. Sexier ang pictorial niya na tiyak magugustuhan ng kanyang fans. Matipid ang reaction ni Cristine sa tsikang si Pauleen Luna na ang GF ng ex niyang si Dennis Trillo. "Okey lang kung masaya sila," pahayag nito. * * * Gumaganap na parents ni BJ Flores sa sitcom na Moomoo & Me ng TV5 na magpa-pilot sa September 10, 8 p. m. ang real life couple na sina William Martinez at Yayo Aguila. Second project palang nila ito bilang mag-asawa, kaya enjoy sila lalo't kasama nila si John Prats. Mahirap paniwalaan, pero sabi ni William, sa telebisyon at pelikula lang siya comedian dahil sa bahay nila, seryoso siya at sinegundahan ni Yayo, kaya maniwala na tayo. Kinumusta pala sa mag-asawa ang status ng kaso nila kay Baron Geisler at si Yayo ang sumagot. "On going ang kaso at may hearing kami three weeks ago at salamat naman at dumating si Baron. Wish naming matapos na ang hearing kasi malayo na ang narating. Hindi kami maggi-give up at ayaw din ng daughter naming mag-give up kami. " Bukod kina John at BJ, kasama rin sa cast ng M&M sina Tia Pusit, IC Mendoza, Paul Salas, Celine Lim, Empoy at Benjie Felipe at sa direksyon ni Soxie Topacio. * * * Artista na rin ang mga anak nina Direk Carlo Caparas at Donna Villa na sina CJ at Peach at introducing sila sa Pangarap Kong Jackpot trilogy. Si CJ ay kasama sa Sa Ngalan ng Busabos episode with Manny Pacquiao at sa Hiwaga Ni Lolo Hugo ni Eddie Garcia kasama si Peach. Sa September 4, sa SM Megamall ang premiere ng movie na prodyus ng Golden Lions Films nina Donna at Direk Carlo in cooperation with PCSO. Ang 'di nabanggit nina CJ at Peach ay kung kailan ang showing ng directorial comeback ni Direk Carlo sa tulong ni Toto Natividad. Bida naman sa Hawak Kita, Hawak Mo Ko episode sina Jake Cuenca at Megan Young at para kay Direk Carlo, si Jake ay "serious actor who is very good at both drama and action and he will definitely go places someday. " May pakiusap pala si CJ sa kritiko ng ama tungkol sa kinukuwestiyong National Artist Award, sabi nito: "please, get off his back. " * * * Pinsan ni Mark Herras ang director ng Manghuhula na si Paolo Herras, pero sa rami ng may cameo role sa pelikula, hindi kasama si Mark. Katuwiran nito, kung sisikat man siya, ayaw niyang sabihing ginagamit niya ang pinsan. Third movie na niya ang Manghuhula at una niyang ginawa ang Rekados at Alon. Showing sa September 9 ang Manghuhula na unang pinalabas sa 2008 Cinemanila, produced ng AP 24. 07 at mula sa grant ng National Commission for Culture and the Arts. Aabot lahat sa 22 ang cast ng movie sa pangunguna ng mga bidang sina Eula Valdez, Glaiza de Castro, Emilio Garcia at Chanda Romero. May cameo sina Epi Quizon, Mark Gil, Meryl Soriano, Candy Pangilinan, John Lapus, Mel Martinez, Angel Aquino, Tuesday Vargas. * * * Sa Rosalinda, ipahuhuli ni Valeria (Sheryl Cruz) si Rosalinda sa mga taga-DSWD at akala nito kukunin ang anak na si Erika, kaya itatakas niya ang anak. Umakyat sa isang building si Rosalinda kasama ang anak at ipinakita 'yun sa TV. Nagulat si Soledad (Glydel Mercado) nang makita sa TV kung nasaan si Rosalinda at pupuntahan niya ito. Nahuli ng overspeeding si Fernando Jose sa pagmamadaling iligtas ang kanyang mag-ina. Babarilin ni Valeria si Rosalinda at mahuhulog ito mula sa taas ng building. * * * Sa documentary na Don't English Me ni Howie Severino sa I-Witness, mapapanood after Saksi, kanyang ipamumulat ang humihinang kaalaman ng mga Pinoy sa Ingles. Patunay nito ang mali-maling spelling at baluktot na grammar ng mga karatula, at paunawa. Marami pang problemang nadiskubre si Howie nang madaan sa public elementary school sa Caloocan dahil may mga Grade 2 up to Grade 6 students na 'di marunong magbasa. Sa isang public school sa Kalinga na kasama sa Top 10 ng Non-Performing School sa bansa, mas madaling natututo ang estudyante 'pag multilingual ang gamit sa pagtuturo at ngayon, isa na ang Lubuagan Central Elementary School sa pinakamahusay sa buong probinsya. Source: People's Tonight |