Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Richard, inihatid si KC sa ABS-CBN

Author: Vinia Vivar
Column: Hot N' Spicy

KAHIT walang pahinga si Richard Gutierrez dahil lagare sa shooting ng For the First Time at seryeng Codename: Asero ay wala kang maririnig na reklamo sa young actor.

On the contrary, 'yung mga nakapaligid kay Chard ang nakakapansin na inspired na inspired ang young actor ngayong mga panahong ito.

Last Tuesday, nag-shooting sila ni KC ng For the First Time at kahit puyat nang araw na 'yun dahil galing sa taping ng kanyang serye sa GMA-7, very energetic pa rin ito't hindi kinakitaan ng pagod.

After ng shooting, nag-dubbing din sila at pagkatapos ay inihatid pa niya si KC sa ABS-CBN ng 10 p. m. dahil may shoot naman doon ang showbiz princess.

Kahapon, nag-taping naman sa Subic si Chard for Asero at ngayong araw na ito, may shooting na naman sila ni KC.

Sa shooting, obvious daw sa mga kilos ng dalawa that love is in the air. Pero kahit panay ang kantiyaw sa kanila ay talagang hindi raw umaaamin ang mga ito.

Wish lang namin na bago mag-showing ang For the First Time sa Aug. 27 ay may marinig na tayong announcement mula sa dalawa tungkol sa kanilang tunay na relasyon.

Wala naman silang dapat ipag-alala kung sakali dahil sa malas ay boto naman ang lahat na maging sila for real, partikular na ang kani-kanilang mga magulang.

* * *

BUHAT nang dumating si Gabby Concepcion sa bansa, aminado siyang hindi pa sila nakapag-bonding talaga nang matagal-tagal ng anak na si KC Concepcion dahil pareho silang lubhang abala sa kani-kanilang trabaho.

Ang pinakamatagal na nilang pagkikita ay nang bisitahin niya si KC sa shoot ng For the First Time sa Tagaytay at hindi na nasundan ulit.

Pero kung si Gabby ang tatanungin, wish niyang magkaroon sila ng matagal-tagal na quality time kapag pareho na silang hindi busy.

Pero kahit hindi sila nagkikita ay nakakarating pa rin naman kay Gabby ang mga nangyayari sa buhay ng anak.

Alam niyang sobrang busy ito sa pagtatapos ng For the First Time. Alam din niyang nali-link ang kanyang dalaga sa leading man nito sa movie na si Richard, pero kung ano ang totoo, hindi raw niya alam dahil hindi nga sila nagkakausap.

Noon pa, nagpahayag na rin naman si Gabby na okay sa kanya ang binata nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Gustong pumunta ni Gabby sa premiere night ng For the First Time at ready siyang makaharap kung sakali ang dating asawang si Sharon Cuneta.

Ang kuwestiyon lang, handa naman ba si Shawie na makita siya?

Anyway, ngayong gabi na ang concert ni Gabby sa Zirkoh, Timog Avenue kasama si Toni Gonzaga. Special guests naman sina Valerie Concepcion, Joross Gamboa at Baywalk Bodies plus lots of other surprise guests.

Tuluy-tuloy pa rin ang taping ni Gabby ng seryeng Iisa Pa Lamang with Claudine Barretto and Diether Ocampo, kung saan ay ginagampanan niya ang papel na Rafael, isang martir na umiibig nang tapat kay Catherine (Claudine).

* * *

MATATAPOS na rin ang matagal na paghihintay dahil sa Sunday ay nakatakda nang ianunsyo ng ABS-CBN sa The Buzz kung sino ang gaganap na Armando sa I Love Betty La Fea.

Inabot din ng tatlong buwan ang guessing game kung sino ba talaga ang young actor na makakapareha ni Bea Alonzo sa kanyang pinagbibidahang serye.

Matatandaang nagkaroon pa ito ng poll at iba't ibang survey sa Internet kung sino sa tingin ng publiko ang babagay sa papel na Armando.

Pinakamaraming boto ang nakuha ni John Lloyd Cruz, kaya abangan na lang natin kung siya pa rin ang napili ng management o ibang young actor na.

Source: People's Tonight