Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Richard mananalo sa kaso vs PEP

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

SA totoo lang, natuwa kami nang husto nang nalaman naming nagbabalik ang kaibigan naming manghuhula na si Danny Cinco, isa sa paboritong manghuhula noon ni Inday Badiday, Mother Lily at iba pang taga-showbiz.

Aba mukha siya bumata ngayon at nag-slim down nang husto.

Inamin naman niya na nagpaayos siya ng ilong at rumaket nang husto sa Thailand, Singapore at Indonesia kaya siya nawala sa Pi-lipinas nang ilang taon.

At sa pagbabalik niya ay very controversial kaagad ang ilan sa predictions niya, tulad sa larangan ng pulitika.

Magiging malas daw ang bansa kapag isang senador ang maging presidente.

Bigla tuloy kaming napa "owwws?" dahil baka raw si MMDA Chairman Ba-yani Fernando ang mahihirang na bagong Presidente dahil hindi ito isang senador.

Sa showbiz naman, may tatlo raw young stars ang mabubuntis this year, isang taga-ABS-CBN at dalawa sa GMA.

Hindi raw mawawala si Willie Revillame sa Wo-wowee kahit maraming natatanggap na batikos nga-yon.

At maipapanalo pa rin ni Richard Gutierrez ang kaso nito laban sa PEP.

Magtatagal daw ang kaso pero ang aktor pa rin ang mananalo sa bandang huli.

* * *

PAGKATAPOS i-launch last year si Christian Bautista para sa Black Water body spray for men, heto't inilabas na ng Ever Bilena ang kanilang line of fragrances for the modern woman on the go.

Ito ang EB Pink Water body spray at si Karylle naman ang kinuha nilang celebrity endorser.

May apat na variants ito -- Feel Me, Smell Me, Kiss Me at Love Me.

Kiss Me is Karylle's personal favorite.

Nananatiling single and sexy si Karylle.

Hindi pa raw niya nababati ang ex-bf na si Dingdong Dantes ng happy birthday dahil hindi pa sila nagkikita nito.

Ayaw naman niyang batiin sa text si Dingdong kasi baka raw pagmulan pa ito ng panibagong intriga.

Ngayong very open na sina Dingdong at Marian Rivera (na very successful ang pilot episode ng Darna last Monday with a 44. 1% rating) sa relasyon ng mga ito, hindi ba siya nakakaramdam ng vindication na tama ang hinala niya all the while?

"It's more than a year already, hindi na kailangan pang balikan ito. Ayokong matawag na stalker. May kilala akong girl na naging stalker ng ex-bf niya for four years. I don't want that for me," sagot ni Karylle.

Sa totoo lang, ang daming nali-link sa kanyang mga aktor tulad nina Jericho Rosales, Christian Bautista at Coco Martin.

May puwang ba ang mga ito sa puso niya o ayaw na niya sa mga taga-showbiz?

"Ayoko namang sabihin na ayaw ko na ng taga-showbiz, dahil taga-showbiz ako mismo at parang sinampal ko naman ang sarili ko kapag sinabi ko 'yan. Basta I'm just enjoying my being single. Welcome ang lahat, taga-showbiz o non-showbiz, tall or short okey lang lahat sa akin," say ni Karylle na lalong gumaganda ngayon.

* * *

ABA, ang QTV-11 na talaga ang primary cooking channel ng bansa.

Simula sa Aug. 17 ay ipa-palabas na rin ang 10-minute cooking show na My Favorite Recipes.

This will be hosted by Chef Aileen Anastacio at lahat ng recipe na ituturo niya sa show ay may main ingredient na gatas na deliciously made by Carnation Evap and Condensada.

Sa mismong prescon ng show ay ipinatikim ni Chef Aileen ang kanyang Chicken A La King na talaga nga namang napakasarap!

Mapapanood ang My Favorite Recipes sa QTV-11 mula Lunes hanggang Biyernes (three times a day, every 10:30 pm 11:50 am at 6:10 pm, back to back with Quickfire).

Tuwing Sabado naman ay mapapanood ito every 11:15 am, 2 pm and 8:10 pm; Sundays at 11:50 am, 2 pm and 9:10 pm.

Isa rin si Chef Aileen sa hosts ng dessert show na True Confections.

Source: Taliba