|
|
| Richard nabulol kay CristineAuthor: Beth Gelena SI Cristine Reyes ang ipinalit ni Richard Gutierrez kay Heart Evangelista bilang leading lady sa horror-movie na Patient X ng Viva at GMA Films. Nagsimula nang mag-shoot ang dalawa at balita namin, nang makita ni Ri-chard ang sexy-actress ay tipong natulala ito. Nagka-bulul-bulol nga raw sa pagsasalita ang anak ni Tita An-nabelle Rama. Matagal na kasing hindi nagkikita sina Cristine at Richard kaya nang magtagpo ang dalawa ay ganu'n na lang ang pagkamangha ni Chard sa kabigha-bighaning beauty nga-yon ni Cristine. Ayon kay Cristine, kung makatingin daw si Richard sa kanya ay parang may du-mi siya sa mukha kaya naiilang tuloy siya. Nagpapasalamat din si Cristine dahil siya ang naisip ni Richard na kapalit ni Heart. Hindi kasi puwede si Heart dahil kailangan nitong magpahinga makara-ang maoperahan sa appendicitis. * * * NA-BREAK ni Willie Revillame ang attendance re-cord ng show niya na 120,000 sa Davao Kada-yawan Festival kamakai-lan nang mag-show siya sa Cagayan de Oro last August 30. More than 150,000 umano ang nanonood ng Wowowillie sa Cagayan last Sunday. Ayon sa aming source, ayaw tantanan ng audience si Willie nang magla-last song na ito. "More. . more. . more. ." daw ang isinisigaw ng mga tao kung kaya pinagbigyan sila ng Wowowee host, kesehodang umabot sa tatlong oras ang show. Nang kantahin ni Willie ang Munting Hiling ay na-touch ang audience dahil may ipinalabas na VTR na ilang eksena sa Willie of Fortune. Marami pang show na gagawin si Willie sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas at sa abroad bago siya bumalik sa Wowowee. Lumabas din sa www. stir. ph na kapag dumating na raw ang binibiling jet ni Willie, nangako siya kay Kris Aquino na dadalhin ni-ya sa Hong Kong ang dalawang anak nito na sina Ba-by James at Joshua. * * * ANG akala namin ay tumi-gil na sa panliligaw si Mark Bautista kay Sarah Gero-nimo. Pero ano itong nabalita-an namin na "binasted" na raw nang tuluyan ni Sarah ang singer. Sino kaya ang hinihintay ni Sarah na maging boyfriend? * * * DINUMOG ng fans ang concert nina Richard Poon at Sam Milby kamakailan sa Metro Bar, produced by Jobert Sucaldito. Grabe ang tilian ng fans 'pag si Sam na ang nasa stage. Lahat ay panay ang sigaw ng "I Love You, Sam. " Si Yna Asistio at Danita Paner ang guest singers ng heartthrob singer-actor. Napansin lang namin na nang mag-duet sina Yna at Sam ay parehong nawala sa tono ang dalawa na ikinaha-galpak nila ng tawa. Hindi namin mawari kung na-amuse ba si Sam sa simpleng kagandahan ng anak ni Nadia Montenegro. Pero, feeling din namin ay sobrang crush ng youngstar si Sam dahil kinikilig ito habang nagdu-duet sila ng Fil-Am singer-actor. Si Danita naman ay nagpakitang-gilas as a singer dahil na-miss daw niya ang pagkanta. Almost two years din kasi siyang nawala sa limelight at nag-concentrate sa kanyang pag-aaral. Source: Taliba |