|
|
| Richard, nagpa-thanksgiving party para kay CristineAuthor: Nitz Miralles Sa first week pa dapat ng October sabay na haharap sina Richard Gutierrez at Cristine Reyes at buong cast para sa grand presscon ng Patient X na showing sa October 28, pero napaaga ang sabay na pagharap sa press nina Cristine at Richard. May pa-thanksgiving ang GMA Films, Viva Films at Rgutz Productions dahil ligtas ang aktres mula sa bubong ng bahay nila sa Provident Villages, Marikina City, at sa matagumpay na pagliligtas sa kanya ng actor. Kung matutuloy, after the thanksgiving presscon, magdi-distribute sila ng relief goods. Nakuwento na ni Richard ang pinagdaanan nilang hirap ni Nani Pascuguin para iligtas si Cristine gamit ang speedboat ni Nani, ang dalaga naman ang matatanong sa naranasang takot sa ilang oras na pananatili sa bubong ng kanilang bahay. One of Richard's most unforgettable experiences ang pagre-rescue niya kay Cristine at bale ba, sa Marikina rin, kung saan sila nag-shoot ng Patient X. Pag-uwi niya ng bahay, saka siya nakaramdam ng pagod, 'di makatulog at nadala pa ang mga hantik na kumapit sa kanyang braso. Wala rin siyang celfone ngayon dahil nabasa. Natatawa na lang ang actor sa mga nag-iisip na promo ng Patient X ang ginawa niya, hindi niya ibinuwis ang buhay para sa promo ng movie na next week pa magsisimula. Basta bagay kay Cristine ang role sa horror movie dahil refreshing, one of the hottest stars today, FHM sexiest at never pang nabibigyan ng big break sa pelikula. Para sa kanya, ano ang nakakatakot between The Echo and Patient X? "Magkaiba ang scare factor nila. Ang The Echo ay tungkol sa ghost. Ang Patient X ay tungkol sa aswang. Si Direk Yam ang pumili ng title dahil bagay sa story at catchy. " * * * Sa Rosalinda, magseselos si Fernando Jose (Geoff Eigenmann) nang makitang hinalikan ni Alex (Jomari Yllana) si Rosalinda (Carla Abellana) sa dance floor at aawayin niya si Alex. Dudugo ang ilong ni FJ at magugulat ang tao nang punasan ni Rosalinda ang ilong nito. Si Alfredo (Ariel Rivera) ang sinisisi ni Evangelina (Jessa Zaragoza) sa paglalayas ni Abril (Ryza Cenon). Babantaan ni Fedra (Katrina Halili) si Fernando Jose na magwawala siya o iiskandaluhin si Paloma 'pag nakipagkita pa siya sa singer. * * * Wednesday sa Stairway to Heaven, patuloy sa pagtugtog ng piano si Cholo (Dingdong Dantes) at lalapit na sana si Jenna (Rhian Ramos), pero aayain siyang umalis ni Charlie (TJ Trinidad). Sa daan, haharang ang car ni Cholo sa car nina Jenna at Charlie, pero 'di sila magkikita dahil si Charlie ang lumabas sa kotse. Bilang manager ng amusement park, magpapa-contest ng mural painting si Cholo, mababasa ni Jenna ang ad at balak isali si Charlie, kaya pupunta sila ni Badet (Karen delos Reyes) sa mall. Muntik niyang makita sina Maita (Jean Garcia) at Eunice (Glaiza de Castro). Source: People's Tonight |