|
|
| Richard, nahubaran sa 'Patient X' mall tourAuthor: Nitz Miralles Sa Entertainment Plaza ng SM North Edsa ginanap ang mall tour ng cast ng Patient X last Sunday at sa rami ng tao, muntik mahubad ang suot na jacket ni Richard Gutierrez. Mainit na tinanggap ng fans ang tambalan nila ni Cristine Reyes at nagpapasalamat ang actor na successful ang kanilang mall tour at dinudumog sila kahit saan magpunta. "Lalo akong na-i-energize 'pag nakikita ang maraming fans at kung paano nila kami tinatanggap, lalo na ako. Ang sarap ng feeling na marami pa rin ang naniniwala at nagtitiwala sa 'yo at sana'y tuluy-tuloy ang support nila hanggang maipalabas ang movie," sabi ni Chard. Inamin ng aktor na mami-miss niya si Cristine 'pag naipalabas ang movie nila dahil makulit at masayahin ang aktres at matagal uli bago sila magka-trabaho. Pero, sisiguraduhin daw niyang mananatili silang friends at constant ang communication. Kinakabahan at excited si Richard sa October 28 showing ng movie, pero kampante siyang masisiyahan ang makakapanood dahil talagang ginastusan at pinaghirapan. Kahapon umalis si Direk Yam Laranas for Bangkok dahil 'dun gagawin ang mixing ng Patient X at lalagyan ng 5. 1 Dolby sensurround para mas ma-enjoy ang pelikula. Wish ni Richard na panoorin at ma-appreciate ng tao ang movie and so far, maganda ang feedback sa trailer. Ikinatuwa rin nitong malaman na marami sa mga kaibigan niya ang nag-i-sponsor ng VIP premiere night pati ang 'di nakakaintindi ng Tagalog, gustong manood. Gagawa pa ba siya ng horror movie after Patient X? "Definitely! Hopefully next year, nag-usap na kami ni Direk Yam and he's already developing another concept. Pati pala Valentine movie ko next year, kino-conceptualize na rin, pero wala pang final project," balita ni Richard. * * * Magandang manood ng Showbiz Central na magkabati at nag-uusap sina Rufa Mae Quinto at Mo Twister at sana, hindi lang dahil birthday ng huli ang pagbabati nila, kundi forever na o until the next issue. Hahaha! Very happy si Nadine Samonte na siya ang papalit kay Sunshine Dizon sa Tinik sa Dibdib at nangakong pagbubutihin ang trabaho dahil magaling ang papalitan at mahirap pantayan ang aktres. Kahapon nagsimulang mag-taping si Nadine at sa Friday, lalabas na ang karakter niya. Maganda ang sinabi ni Dingdong Dantes na patungkol kay Sunshine at nabanggit na parang kapatid ang turing niya sa aktres at gusto niya itong makausap nang personal dahil concerned siya sa nangyayari rito. Ang latest natsugi sa Survivor Philippines: Palau na si Tara Macias ang sumalang sa Don't Lie to Me ni John Lapus at inaming buntis siya sa kanyang non-showbiz BF. Sa muling pagharap ni Mikaela Bilbao, mas matindi ang mga isiniwalat niya kina Gretchen Barretto at Pops Fernandez. * * * Hindi lang pala sina Vhong Navarro at Anne Curtis ang hosts ng It's Showtime!, ang show na ipapalit ng ABS-CBN sa Ruffa and Ai dahil kasama nilang host si Kim Atienza. Lalo nitong makikilala si Kim dahil daily ang show at dapat na talagang kabahan si DENR Secretary Lito Atienza dahil bilang "tatay ni Kim" na lang siya maaalala ng tao. Hahaha! Kasama rin sa show ang mga bandang Rocksteddy at Itchyworms at join din daw si Vice Ganda as the show's resident judge. Magandang malaman ang reaction nina Janice de Belen, Gelli de Belen at Carmina Villarroel sa bagong show ng Channel 2 na itatapat sa Sis ng GMA-7. * * * Sa Darna ngayong gabi, magkakakilala sina Impi (Mura) at Serapina at magba-bonding agad ang dalawang impakta. Ang suggestion ni Impi, sasampa siya sa likod ni Serapina gaya ng ginagawa nila ni Roma (Nadine Samonte). Itatago ni Serapina si Impi sa loob ng bodega ng ampunan at lalapit du'n si Narda at handa na siyang atakihin ni Impi. Buhay pa si Valentina (Iwa Moto), pero 'di 'yon sasabihin Dr. Morgan kay Eduardo (Mark Anthony Fernandez). Muntik mabangga sina Eduardo at Watson (Bearwin Meily) at sisitahin ni Watson ang driver ng kabilang sasakyan — ang sikat na fighter na si Zandro (Paolo Contis). Source: People's Tonight |