Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Richard, napamura sa naging 'sakit' ni Sharon!

Richard, napamura sa naging 'sakit' ni Sharon!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

GULAT na gulat si Richard Gomez nang tanungin siya ng mga manunulat sa reaksiyon niya tungkol sa naging sakit umano ni Sharon Cuneta noon.

Katunayan, napasigaw at nakapagmura pa si Goma sa matinding gulat.

Sa kuwento, inamin umano ni Sharon sa interview ni Boy Abunda sa SNN na diumano ay nagkaroon siya ng sakit noon, at nagpagamot sa Amerika.

Anyway, hindi agad nakapag-comment si Goma sa tanong ng mga manunulat nu'ng mga oras na `yon. Pero sabi ni Goma, wala sa hinagap niya na magkakaroon ng ganung sakit si Sharon.

Inamin ni Goma na hindi niya napanood ang interview ni Kuya Boy kay Sharon sa SNN, at wala rin naman daw nagkuwento sa kanya tungkol doon.

Pero, agad ding tinanong ni Goma ang mga manunulat kung kumusta na si Sharon? At napangiti ito nu'ng sabihin na okey na si Sharon, at ligtas na sa naturang sakit.

Anyway, sa interview ni Kuya Boy kay Sharon sa SNN, hindi dinetalye ang naging sakit daw ni Sharon.

Pero, nakakatuwang makita na matindi pa rin ang malasakit ni Goma kay Sharon.

Pagkalabas ng item na ito, malamang ay natawagan na ni Goma si Sharon.

Tinanong na rin namin si Goma kung matutuloy pa ang project na pagsasamahan nila ni Sharon sa Star Cinema. Pero, walang maibigay na kumpirmas­yon si Goma.

Sabi pa ni Goma, wala pa raw siyang natatanggap na abiso mula sa Star Cinema.

Pero, umaasam si Goma na matuloy pa rin ang project nila ni Sharon.

Sa ngayon, wala pa raw pelikulang naka-line up na gagawin si Goma. Kaya habang hindi pa siya abala sa pelikula, ang second season ng Family Feud sa GMA 7 ang pagkakaabalahan niya.

Hindi na rin itinanggi ni Goma na sasabak siyang muli sa pulitika sa susunod na taon. Tatakbo raw siya bilang congressman sa 2nd district ng Ormoc, City.

At dahil aabot hanggang April 2010 ang Family Feud, at malamang na sa Marso 2010 na magsimula ang kampanya, posibleng um-absent daw muna siya sa mga nalalabing araw ng Family Feud.

Sinabi rin ni Goma na bago matapos ang 2009 ay ia-announce na niya kung kaninong partido siya sasanib. At kung sakali raw na sa partido ni Sen. Manny Villar siya mapasali, ina­asahan daw niya na hindi maapektuhan ang friendship nina Kris Aquino at ng misis niyang si Lucy Torres.

Naniniwala si Goma na mauunawaan ni Kris ang sitwasyon.

Siyempre, suportado ng pamilya ni Lucy ang pagpasok ulit ni Goma sa pulitika.

At ngayon pa lang, nakaprograma na kay Goma ang mga gagawin niyang pagtulong sa Ormoc, kung sakaling palarin siyang manalo.

Plano ni Goma na ga­wing tourist destination ang Ormoc, na tulad ng Cebu, Davao, Boracay, Palawan, Bohol, at marami pang iba.

Anyway, sinabi nga pala ni Goma na iimbitahan niya sina Noynoy Aquino at Manny Villar na maglaro sa Family Feud.

Source: Abante