Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Richard, walang birthday party

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Birthday ni Richard Gutierrez sa January 21, pero wala siyang party gaya ng mga nakaraan niyang kaarawan. Sa halip, isang dinner with his family ang kanyang balak. Tinanong namin ang binata kung may kinaalaman ba ang pagdagdag ng kanyang edad sa desisyong 'wag magpa-party?

"Wala lang, 'di ko lang feel magpa-party. Gusto ko simple dinner with my family, relax atmosphere and spend quality time with my family. Tahimik at kalmado na ako ngayon at mas priority ko is to spend quality time with my family," pahayag ni Richard.

Posibleng nasa Coron, Palawan si Richard sa kanyang actual birthday dahil may shooting siya ng When I Met You at ang leading lady niyang si KC Con-cepcion at ibang cast ng movie ang kanyang maka-kasama.

When it comes to his career, wala nang mawi-wish si Richard dahil tuluy-tuloy ang kanyang trabaho. Tinatapos nila ni KC Concepcion ang pelikulang When I Met You na showing sa February 11, and after the movie, sisimulan na niya ang Zorro, ang bago niyang series sa GMA-7. Tumatakbo pa rin ang Full Force Nature na kahit mahirap ang taping ay enjoy siya.

May naka-line-up na rin siyang next movie at tuloy daw ang Pinoy adaptation ng Full House, pero gaya sa Zorro, hindi pa niya alam kung sino ang makaka-pareha. Kung ang fans ang tatanungin, si Marian Rivera ang gusto nilang kapareha niya sa adaptation ng K-novela.

* * *

Nadagdagan na naman ang endorsement ni Dingdong Dantes dahil siya ang bagong endorser ng Goldilocks. Sa launching natin malalaman kung idinagdag siyang endorser o may pinalitan siyang endorser.

Samantala, natuloy last Tuesday ang first taping day nina Dingdong at Marian Rivera ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at kahapon, nag-pictorial sila at ang buong cast sa Parallax Studio sa Makati City.

Sexier and more mature raw ang role ng dalawa at sa publicity photos pa lang, ipapakita na siguro ang character na ipo-portray ng dalawa.

Natutuwa sina Dingdong at Marian sa nalamang marami na ang naghihintay sa bago nilang series. Action-suspense-drama ito, iba sa Marimar at Dyesebel, kaya inaabangan na. Ang unang balita, sa February ito eere at papalit sa Gagambino.

* * *

Isa kami sa in-email ni Jason Baker ng press release at picture ni Yasmien Kurdi nang mag-pose ang singer-actress for the second time sa PETA o People for the Ethical Treatment of Animals Asia-Pacific.

Sa unang ad, nag-pose si Yasmien sa loob ng cage na may kasamang baby chicken at may tagline na "Try to Relate to Who's on Your Plate, Go Vegetarian. "

Sa second ad, sa ibabaw ng cage naman ng pose si Yasmien at may tagline na "Respect Chicks, Go Vegetarian. "

Alam ni Yasmien na marami ang nagdududang vegetarian siya dahil sa tsismis na nakita siyang kumakain ng chicken barbecue, pero wala siyang pakialam sa mga hindi naniniwala sa kanya. Basta siya, ipagpapatuloy ang hindi pagkain ng iba't ibang klase ng meat.

In fairness, pinapraktis ni Yasmien ang pagiging vegetarian at naalala namin noong si JC de Vera pa ang ka-love team niya, ibinibili siya nito ng kangkong at ibang klase ng gulay para may makain siya sa taping.

Ginagawa kaya ito ni Dion Ignacio sa taping nila ng Saan Darating Ang Umaga? Kinikilig kasi nitong inaming napapasaya siya nito at nag-"I love you" na ang binata sa kanya.

"I'm asking people to liberate their diet and give vegetarianism a try," wika ni Yasmien.

Kuha ni Niccolo Cosme ang mga litrato ni Yasmien at si Sidney Yan ang stylist at makikita ang dalawang ads niya sa PETAAsiaPacific. com.

Source: People's Tonight