|
|
| Riza Santos nagpaliwanag sa pang-iisnab kina Katrina Halili, LJ Reyes at Alyssa Alano![]() Author: Chan-Chan Torres Usap-usapan pa rin ang diumano'y naganap na isnaban sa pagitan nina Riza Santos at ng ibang Kapuso stars na sina Katrina Halili, LJ Reyes, at Alyssa Alano. Nabalitaan namin na hindi naman pala inisnab ng beauty queen turned actress ang tatlong seksing dalaga. Ayon pa sa chika, totoong nakita ni Riza si Katrina sa isang event -- ito ay nu'ng ginanap ang victory party ng FHM's 100 Sexiest kamakailan. Aniya, kilala niya si Katrina kaya imposibleng irapan niya o isnabin niya ang aktres. Nagulat na lang daw si Riza na hindi lang si Katrina ang napabalitang di-nedma niya kundi pati sina LJ at Alyssa rin. Sa tingin naman namin ay misunderstood lang ng iba ang hindi ginawang pagbabatian nina Riza at ng ibang Kapuso stars. Pinalaki lang ng ibang tao sa paligid kung kaya't hindi rin masisisi si Katrina kung bakit nag-react negatively siya o naimbiyerna. Well, sana ay maayos na nila ito, kasi baka wala namang bagay silang dapat pag-awayan o pagtalunan to begin with. * * * MAY ilang nakaka-relate kay Ara Mina. Paano kasi, porke't walang boyfriend ngayon ang aktres eh, kung kani-kanino na iniuugnay ang pangalan niya. Lately ay naging matu-nog ang pagkaka-link ni Ara sa businessman na si Dodie Puno at ito ay mariing pinabulaanan ng aktres. Sabi nga niya, hindi porke't wala siyang boyfriend ngayon ay basta na lang siya papatol. Napag-alaman naming matagal nang magkaibigan sina Ara at Dodie at magkasosyo pa raw sila sa restaurant business ng aktres. Kung anuman ang friendship nila ni Dodie, sana raw ay huwag na itong lagyan pa ng ibang kahulugan dahil walang malis-ya at kaibigan ng pamilya nila ang lalaking minsang naugnay din kay Gretchen Barretto. Unfair nga naman kay Ara na i-link siya sa kaibi-gan niya porke't wala si-yang karelasyon ngayon. Sa bansa natin kasi, parang hindi malayang ma-ging magkaibigan ang babae't lalaki,sa totoo lang. Laging may nagmamalis-ya. It's just unfair na some can't be realistic, na may mga taong hanggang friends lang ang turingan. * * * Ibang-iba ang glow ngayon sa mga mata ni Willie Revillame. O, bago pa mag-isip ang iba kung sino ang dahilan, si baby Elijah ang apple of the eye ni Papi, ang guwapo ng anak nina Meryll Soriano at Bernard Palanca. Kamukha ni Meryll ang anak, pero ang pagkatisoy at ng mga mata ay kuhang-kuha kay Bernard. Tuwing Linggo ay dumadalaw sina Meryll at baby Eli kay Papi sa bahay nito sa Corinthian Hills. Bale, ito na rin ang bonding moment ni Papi sa unang apo niya. Kababalik lang nina Willie at ng grupo ng Wowowee mula sa New Jersey. Dinumog, pinag-piyestahan at pinagkukurot daw doon si Papi. Maging ang co-hosts niyang sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang ay pinagkaguluhan din. Source: Taliba |