Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Riza, naduwag kina Angelica at Cristine?

Riza, naduwag kina Angelica at Cristine?

Author: Abante

HINDI pa man naipalalabas ang Banana Split ng ABS-CBN na pagbibidahan nina Angelica Panganiban, Cristine Reyes, Va­lerie Concepcion, Princess Ryan, Dianne Medina, at Riza Santos, tsugi na agad ang huli sa show.

Teka, naduwag ba si Riza sa kaseksihan nina Angelica at Cristine?

Well, sagot ng ABS-CBN, ang problema sa schedule ni Riza ang dahilan kung bakit ito nawala sa show. Sabi pa, mas pinili raw ni Riza ang bumalik na lang sa Canada, kesa lumabas sa Banana Split.

Anyway, ang all-female gag show na Banana Split ay siguradong tututukan ng mga barako, dahil sa iba't ibang alindog na ihahain nila.

Hindi nga kataka-taka na magpatalbugan ang mga bida rito, lalo na at pare-pareho naman silang seksi. Pero siyempre, hindi lang katawan ang panonoorin sa Banana..., kundi ang husay rin nila sa pagpapatawa.

Source: Abante