Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Robi, bagong Rico Yan

HOW true? Guest co-host nga ba ngayong araw ni Willie Revillame sa Wowowee si Carlene Aguilar? Ang sabi, personal recommendation ni Papi Willie si Carlene para subukin ito kung kering mag-host ng isang noontime show. Pero the truth is, sey ng aming s...

 

Robi, bagong Rico Yan

Author: Ogie Diaz

HOW true? Guest co-host nga ba ngayong araw ni Willie Revillame sa Wowowee si Carlene Aguilar?

Ang sabi, personal recommendation ni Papi Willie si Carlene para subukin ito kung kering mag-host ng isang noontime show.

Pero the truth is, sey ng aming source, "Gusto niyang asarin si Cristine Reyes, dahil 'di ba, hanggang ngayon, nagkikita pa rin sila ni Dennis Trillo?

"Kaya ayun, 'yung nanay ng anak ni Dennis ang kinuha niyang mag-guest co-host. Hintayin na lang natin kung magseselos si Cristine o hindi.

"'Pag nagselos, ibig sabihin, may pagtatangi pa rin ang kapatid ni Ara kay Willie. 'Pag hindi na, mahal talaga ni Cristine si Dennis!"

May ganu'n?

* * *

DAGDAG pa ng aming source, "Pansinin mo. 'Di ba, dati, si Willie pa mismo ang nakipaglaban para lang maging co-host si Precious Lara Quigaman, dahil feeling niya, baka si Lara na ang hinihintay niyang babae sa buhay niya after his unsuccessful married life?

"Eh, nu'ng nagka-boyfriend 'tong si Lara, ayun, unti-unti nang tinabangan si Papi, kaya alam mo na siguro kung ano'ng ending?"

Again, may ganu'n?

* * *

SUGGESTION lang namin sa pagsisimula ng Pinoy Dream Academy 2.

Baka puwedeng pakisabihan si Billy Crawford na ahitin ang kanyang balbas, dahil parang hindi bagay sa kanya, lalo na 'pag ngumingiti siya.

Parang gusto namin siyang bigyan ng sinaunang pipa, sailor hat at spinach. Buti na lang, hindi si Brutus ang kamukha niya.

* * *

SA mga hindi pa nakaaalam. .. Alam n'yo bang nitong year ay gumradweyt bilang valedictorian sa Ateneo High School si Michael Lee?

Alam n'yo ba kung sino'ng salutatorian niya? Si Robi Domingo.

At alam n'yo bang pareho silang tinanghal na second placer sa Pinoy Big Brother Teen Edition? Si Michael, sa first edition, at si Robi, sa second edition.

Alam n'yo rin bang nag-Ateneo rin kami nu'ng high school namin?

Pumasyal lang naman kami roon, tapos, umuwi na agad. Hehehe. * * *

NATURINGANG Big Winner ng katatapos lang na Pinoy Big Brother Teen Edition Plus itong si Ejay Falcon, pero mas dinumog ng press people ang runner-up na si Robi sa presscon ng Big 4.

Eto na ang mas nakalolokah, pati ang mga reporter ay "manok" din pala si Robi na mag-win, kaya "lutang pa rin sa kasiyahan" si Robi.

Si Robi ay crush si Kim Chiu at nu'ng tanungin kung okay lang bang magkaroon ng love triangle sa kanila nina Kim at Gerald Anderson, why not daw?

We're sure, 'yan ang aabangan ng mga fans.

* * *

IN fairness, nakita ng ilang reporter kay Robi ang katauhan ni Rico Yan.

Para ngang isinilang na ang papalit sa trono ni Rico at halos wala nang nasabi ang bagets na sobrang flattered.

Isa 'yan sa mga itatanong uli namin sa kanya ngayong umaga, 10:30-12 noon, sa phone-patch interview sa Wow! Ang Showbiz! sa dzXL 558khz at maririnig din nang libre sa www. rmn. ph.

Source: People's Tonight