|
|
| Robin: 20 years nang 'di tumitikim ng alak![]() Column: Show-my Ayaw nang pag-usapan ni Bea Alonzo ang ex-boyfriend niyang si Mico Palanca. As in hindi na raw siya comfortable pa na sagutin ang mga nagpipilit na uriratin ang tungkol sa kanyang dating boyfriend. "Iba na lang please. Itong Betty La Fea na lang," pakiusap niya sa mga nagpipilit na tanungin kung kailan, bakit at ilang buwan din ang itinagal ng kanilang relasyon. Basta ngayon daw, masaya siya sa kanyang freedom pagkatapos nilang maghiwalay ng kapatid ni Bernard Palanca. Ni walang idea kasi ang lahat sa nagtapos na relasyon nila ni Mico. Basta, nag-split na lang sila at hindi na napag-usapan ang puno't dulo ng lahat. Pero aminado si Bea na iniyakan niya ang break up nila: "Tao lang din naman ako," sabi niya kahapon nang ipakilala siya officially bilang Betty La Fea na base sa isinagawang survey ng ABS-CBN, siya talaga ang gusto ng mga fans para sa nasabing role na minsang naging malaking issue nang i-consider ni Regine Velasquez ang nasabing proyekto at lilipat sana sa ABS-CBN. Pero madaling na-abort ang issue dahil nag-leak agad at nagkaroon na rin ng mga sari-saring intriga. Eh yun naman pala, simula sa simula pa lang, nang bilhin ang franchised ng Betty La Fea, si Bea na ang nasa isip ng ABS-CBN. At mismong ang ABS-CBN executive ang nag-confirm nito. So wala pala talagang puwang noon pa man si Regine sa nasabing role na naging malaking usapin pa noon. Anyway, wala pang idea si Bea kung sino ang magiging leading man niya sa Betty La Fea. Naghahanap pa raw. Papapangitin si Bea sa kuwento tulad din sa mga iba't ibang bersiyon nito na napanood na sa buong mundo. Pero hindi raw fake ang pagpapapangit niya rito dahil hindi siya gagamit ng wig sa hair niya. Mahigit isang dosenang bersyon na pala ang nagawang Betty La Fea na napanood sa buong mundo at na-dub sa iba't ibang lengguwahe. Kasama rito ang version sa India, Indonesia, Poland, Bulgaria, Romania, Malaysia, Hungary, Czech Republic, Italy, Switzerland, Japan, Turkey, Italy, China at ngayon nga ay sa 'Pinas. Pero nagsimula ito sa Columbia na kuwento tungkol sa isang hindi kagandahang babae na nagtatrabaho sa isang fashion design company, ang Eco Moda bilang sekretarya. Cute actually ang kuwento ng Betty La Fea kaya naman pumatok ito. Kaya lang, ano nga kaya'ng hitsura ng magandang si Bea 'pag si Betty na siya? * * * Maniwala kayo't hindi, pero mahigit dalawang dekada na palang hindi tumitikim ng alak si Robin Padilla. Yup, you read it right. Simula nang maging Islam siya, hindi na siya tumikim ng kahit anong nakakalasing na inumin. Parang hindi kapani-paniwala, pero true! Hindi na siya umiinom sa kabila ng stress ng kanyang trabaho. "Titingnan ko lang ang mga anak ko, sinasabi kong tapos na'ng panahon ng pag-i-enjoy ko sa buhay," sabi ng action star na abala hindi lang sa pelikula nila ni Ai Ai delas Alas na Ikaw Pa Rin (Bongga Ka Boy, showing sa May 14) at sa Joaquin Bordado, kundi maging sa pagiging Ambassador of Health kaya nga favorite siya ngayong kunin bilang endorser ng health products na ang pinaka-latest ay ang Liveraide Sylymarin Capsule. Kung sabagay, Instead na uminom, pagdarasal ang madalas gawin ni Robin simula nang maging Islam siya. Bukod sa bawal, maalaga talaga siya sa katawan. Tingnan na lang n'yo ang pangangatawan ni Binoe. * * * All out ang support ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by chairman Jacky Atienza sa pelikulang Serbis ni Brillante Mendoza na makikipag-compete sa gaganaping 61st Cannes Film Festival sa Mayo 14 hanggang May 25. Serbis will be screened on May 18. Matagal na panahon na ring walang Tagalog film na nakikipag-compete sa nasabing prestigious na film festival. "The fact that we are competing is national honor enough worthy of recognition," sabi ng visibly elated na si Jacky. "The last time we competed in Nagbigay ang FDCP ng mahigit isang milyong peso para sa subtitling, print of the movie, and for the airfare and accommodation of the actors/actresses and production cast attending the festival. Kaya nga nagpapasalamat ang FDCP at ang mga tao sa likod ng Serbis sa pagbibigay ng pondo ng Pangulong Gloria Arroyo sa local film industry. Ang nasabing pelikula, starring Gina Pareño, ay isa sa 21 na pelikula na napili para sa main competition ng bantog na Cannes Filmfest. Umabot sa 1,792 entrees mula sa 96 na bansa, ang Serbis ang sinasabing isa sa mga "cream of the crop" na pelikula na napili para sa prestigious na Palme d' Or. Makakalaban lang naman ni Mendoza ang mga Oscar winners na sina Clint Eastwood, Steven Stoddenberg (director of Traffic, Ocean 11, and Erin Brokovich) and Wim Wenders (who received his Palm d' Ore in 1984 for Paris, Texas). O 'di ba, bigatin? Pangungunahan ang jury ni Sean Penn kasama sina Natalie Portman, ang Italian director-screenplay na si Sergio Casteliitto, German actress Alexandra Maria Lara, Thai director Apichatpong Weerasethakul, Mexican filmmaker Alfonso Cuaron and French director Rachid Bouchareb kung saan ang kanyang Days of Glory ay naging festival favorite when it screened in 2006. Ka-join sa delegado ng bansa ang FDCP Festival Committee chairman and Cinema Evaluation Board chairperson na si Christine Dayrit. "It is an honor for me to be with direk Mendoza and his cast and crew as his film is officially screened in Cannes next month. Serbis being nominated in the competition category is extremely overwhelming," say ni Ms. Christine. Actually, lahat ay masaya sa nasabing pelikula kasama ang Philippine Film Export Services Office (PFESO) chairman na si Ms. Digna Santiago and FDCP executive director Lali Suzara, both members of the Festival Committee. Ang Serbis ay sinulat ni Armando Lao and co-produced by Didier Costet of Swift Productions in France and Ferdinand Lapuz for Centerstage Productions. Ayon kay direk Mendoza, kuwento ng isang pamilya na naninirahan sa isang rundown movie house sa Angeles City ang kanyang pelikula. Si Gina Pareño ang gumaganap na matriarch sa pelikula na siyang may-ari ng sinehan habang nagtatrabaho doon ang kanyang pamilya kung saan gumaganap na mga anak niya sina Jaclyn Jose, Dan Alvaro at ang newcomer na si Roxanne Jordan. Kasama rin sa pelikula sina Julio Diaz, Kristofer King at Coco Martin. Nauna nang nanalo ng script funding ang Serbis sa ginanap na Asian Cinema Fund of the 2007 Pusan International Film Festival at nag-participate na sa 2008 Hong Kong Asian Film Forum. Ang Serbis ay na-acquire ng Fortissimo Films para sa world distribution nito outside the Philippines and France. Source: The Philippine Star |