Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Robin, Marian at Dingdong bida sa trilogy ng Golden Lions

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

May follow-up kami sa nasulat ni Nel Alejandrino sa kolum niya rito kahapon na babalik ang Golden Lions Films nina Donna Villa at Direk Carlo J. Caparas sa pagpo-prodyus ng pelikula.

Trilogy nga ang balak na comeback movie ng film outfit ng mag-asawa.

Busy lang sina Donna at Direk Carlo sa presscon ng Totoy Bato, hindi kami nagkaroon ng chance na tanungin sila kung totoong hiniram nila si Marian Rivera sa Regal Entertainment at si Dingdong Dantes sa GMA Films para magbida sa isang episode ng pelikula.

Si Robin Padilla raw ang bida sa isa pang episode at wala pang balita kung sino ang tina-target nilang kunin sa isa pang episode.

Matutuwa ang binata nilang si CJ Caparas kung sa episode nina Marian at Dingdong isasama, dahil crush nito ang actress.

Magandang balita ito kung totoong bubuhayin nina Donna at Direk Carlo ang film company nila dahil kokonti ang nagpo-prodyus ngayon.

Hindi rin namin naitanong kung si Direk Carlo ang magdidirehe sa pag-a-active muli ng Golden Lions Films.

* * *

'Katuwa si Angelu de Leon sa Gimme Mo segment ng Showbiz Central last Sunday sa mga comment kina Marian at Dingdong, dahil para na rin niyang inamin na may relasyon ang dalawa sa mga sagot.

Nang tanungin kung nagka-crush siya kay Dingdong, nag-dialogue si Angelu na baka magalit si Marian at "nag-hi, Proserfina" pa.

Hindi kumpleto ang paliwanag niya kung bakit hindi naging sila ni Bobby Andrews, hindi raw sila umabot sa pagkakaroon ng relasyon.

Natanong na siya tungkol dito at may binanggit siyang name ng female reporter na rason kung bakit hindi naging sila ng actor.

Umiyak naman si Francine Prieto sa Intriga Confession nang sabihing ayaw niyang mag-asawa't ayaw magaya sa ina at mga kaibigang hiwalay sa asawa.

Consistent ito sa pagsasabing friends lang sila ng businessman na nali-link sa kanya at tumutulong sa mga offer na dumarating, pero inaming special ito sa kanya.

Nilinaw din ni Francine na lumang gamit ang ibinebenta niya pandagdag sa pambili ng bagong gamit.

Finally, naipalabas na rin ang interview at VTR ng binyag ng baby ni Paolo Ballesteros na two Sundays inabangan dahil sa kawalan ng oras. Sana, wala na munang report kina Glaiza de Castro at Patrick Garcia dahil may sawa factor na.

* * *

Nanood ng Love to Love to Love concert last February 15 sina Isabel Oli, Jennica Garcia, Glaiza at Nadine Samonte at enjoy sila't nag-sing-along at sumayaw pa.

Sila rin ang magkakasamang pupunta sa Boracay sa Feb. 28 para mag-relax. Naging close ang apat dahil sa Gagambino, kaya nalulungkot na't magtatapos na ang series sa Friday.

Tuloy ang buhay at career nina Isabel at Jennica kahit loveless at ilo-launch nga si Isabel bilang new "It Girl" ng PLDT MyDSL kasama si Rhian Ramos.

Samantala, sa nalalabing mga gabi ng Gagambino, mas maaksyon at maraming sakripisyong haharapin si Bino (Dennis Trillo) dahil naglabasan ang mga higanteng insekto mula sa Tierra Higanta.

Hindi na buo ang Liga Insekta sa pagkamatay nina Leah (Glaiza) at Lucy (Katrina Halili), kaya sina Berna (Isabel), Gelay (Jennica), Divina (Jean Garcia), Dindo (Raymart Santiago) at si Gambee na lang ang katulong niya sa paglaban sa kasamaang hasik ng mag-asawang Celine (Nadine) at Harold (Polo Ravales).

Magamit pa kaya ni Bino ang kalahati ng medalyon sa pagsugpo sa kasamaan lalo na sa higanteng insekto? Alamin ang lahat sa last three nights ng Gagambino.

Source: People's Tonight