|
|
| Robin Nievera opens up about love-hate relationship of his separated parents![]() Author: Rey Pumaloy Ang tungkol sa galit-bati na samahan ng kanyang mga magulang na sina Pops Fernandez at Martin Nievera ang hindi naiwasang pag-usapan kay Robin Nievera sa presscon para sa back-to-back concert ng kanyang ama with Gary Valenciano--ang As 1 na gaganapin bukas ng gabi, September 19, sa MOA Concert Ground. May special appearance si Robin at ang anak ni Gary V. na si Gab Valenciano sa nasabing concert. Tuluyan na rin kasing papasukin ni Robin ang music scene. ROBIN SPEAKS UP. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Robin kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing mag-aaway ang kanyang mga magulang, lalo noong nakaraang taon nang ilabas lahat ni Pops ang sikreto kung bakit sila naghiwalay ni Martin. (Click here to read related story.) "I never like it," diretsong sagot ng 22-year-old na binata. "Every time an issue comes out, I always like be ahrrr...! Like when they broke up the first time, shattered ako. I was 12-13? That's not nice and all the press was on them. So, even Ram [younger brother], when people on the street would ask me, 'How's your mom and dad? ' I don't wanna talk about that! "So, na-hurt ako. But I'm older now. It hurts me a little bit 'cause my parents are fighting again and I hate that feeling. But it's really mom and dad..." pahayag ng binata. Paano nila hina-handle na magkapatid ang sitwasyon tuwing nag-aaway ang parents nila? "I talk to them. They talk to me. They talk to me first!" tumatawang sabi ni Robin. "'So, this is what's happening!' Before I read anything, they're telling me na. But we talk about it." Hindi ba siya nagtanim ng sama ng loob sa ganitong paulit-ulit na sitwasyon ng mommy at daddy niya? "No, I don't. I'm okay with everything. You know, it happened. I'm okay with it," pagkikibit-balikat niya habang nangingiti. Ayon kay Robin, dati ay hindi niya tanggap na maghihiwalay ang kanyang parents. "I was 12 before when they broke up. I always tell my Mom, 'Don't do it.' That's was a long time ago na!" Ano naman ang naging epekto sa kanya ng nangyari sa parents niya? "I think I'm okay!" natatawa niyang sagot. "I'm not naman... I don't know how to say that. I've always been a friendly guy. I don't like telling my parents, 'What's going on?' But I'm sad, you can see it on my face. But I'm okay. Church always helps me. I like to pray. So, God has always been there for me. Friends have always been there for me. 'Cause I don't have to tell them my Mom and Dad are fighting. They read it even before I found out. Sometimes it sucks! In fairness, they're still friends. Some broken marriages, they don't even talk to each other. My Mom and Dad are still friends." Wala raw kinikilingan si Robin isa man sa mommy at daddy niya. Kapag nasa Las Vegas siya, madalas silang magkasama ng ama niya. Pag nandito naman siya sa Pinas at wala rito ang daddy niya, lagi niyang kasama ang mommy niya. CHEERY DISPOSITION. Isa sa kahanga-hangang katangian na napansin namin kay Robin sa interview na ito ay ang pagiging palabiro niya at masayahin. Kung gaano seryoso pag sumagot si Pops ay siya namang sobrang kalog ng kanyang panganay. Wala ngang dudang nakuha ni Robin ang pagiging kalog ng kanyang ama. Kaya naman kahit seryoso ang pinag-uusapan, sinisingitan nito ng tawa ang bawat sabihin; marahil ay para hindi maging mabigat ang tema ng pinag-uusapan. Napangiti uli si Robin nang matanong siya ng PEP kung paano niya hina-handle sa tuwing may kanya-kanyang lovelife ang mommy at daddy niya. "I support the both of them. Well, we're older and more mature so... But before, I don't wanna know! Now, it's okay. I'm okay naman with everyone, e," tugon niya. Hindi ba siya nahihirapang makisama tuwing magkakaroon ng panibagong pag-ibig o karelasyon ang kanyang mga magulang? "You know, they have their lives and I have mine. And I'm just... If they make you happy, you know what, go for it! I can't be like, 'No, you have to be together.' Selfish naman ako, di ba? Whatever makes my Mom or Dad happy, I'm okay with that." Source: Philippine Entertainment Portal |