Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Robin Padilla naniniwalang bakla si Hayden Kho

Author: Joey Sarmiento
Column: Watsup

MAG-REACT kaya si Hayden Kho sa binanggit ni Robin Padilla sa interview sa kanya ng FHM on their September issue?

Yap! Si Robin ang ka-back-to-back cover ni Cristine Reyes sa Men's Magazine na FHM Collector's item.

"Kapag minahal ka ng isang babae at ibinigay niya ang sarili niya sa iyo, dapat, hindi mo na ipinagyayabang ang mga nangyari sa inyo. Lalo na't dapat, hindi na binibidyo dahil sigurado, bakla ang ganu'ng mga lalaki. Kahit saan tumama 'yon, bakla 'yon," ang mabigat na statement ni Binoe sa FHM.

Eh, si Hayden ang unang pumasok sa isip namin na nag-video sa kanyang mga naka-sex tulad nina Katrina Halili at Maricar Reyes

Ibig sabihin, para kay Binoe, bakla si Hayden. Ano kaya ang mase-say ni Vicki Bello sa sinabing 'yon ni Robin?

'Nga pala, first time nag-karoon ng cover na lalaki ang FHM magazine, kaya sigurado, pati girls,eh, bibili rin ng magazine na ito para tingnan kung nagpa-sexy rin si Binoe.

* * *

KAHIT na hindi kami na-invite sa press conference ng As One concert nina Mar-tin Nievera and Gary Va-lenciano, panonoorin namin ito from start to finish sa Sept. 19 at 8 p. m. sa SM MOA concert ground.

Parehong may monicker na 'concert king' ang dalawa kaya malalaman namin kung sino talaga sa kanila ang tunay na concert king after ng kanilang back-to-back show. * * *

MAGKAKAROON ng show si Gwen Garci at da-dalo naman si Katrina Halili as guest sa Frenzy Hot Mo-dels Resto Bar, West Avenue on Nov. 7

Kaya naman ngayon pa lang ay excited na ang mga staff and food attendant ng nasabing lugar. Bagong bukas ang Frenzy Hot Models Resto bar at sina Gwen at Katrina ang unang celebrities na magbibinyag sa na-turang lugar. Siyempre, may raffles and prizes para sa guests na darating kaya si-guradong magiging exciting ang gabing ito.

Para sa mga interested na bumili ng ticket, tawagan lang si Ka Billy sa kanyang cell number 09053126273 .

* * *

FOR reactions, please e mail mediatouch2000@ yahoo. com.

Source: Taliba