Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Robin ayaw makasama si Kris sa soap

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

ITINANGGI ni Robin Padilla na gagawa siya ng soap sa ABS-CBN opposite Kris Aquino.

Ito ang bungad sa amin ni Robin matapos pumirma ng kontrata as additional endorser ng Jag Jeans. Maka-kasama na siyang endorser ng Jag nina Marian Rivera at Will Devaughn.

"Wala akong soap na ti-nanggap sa ABS-CBN. Hindi ko inaayawang makapartner si Kris. Magaling na artista siya. Kaya lang ayaw ko munang makipag-partner sa kanya ngayon dahil magkakaroon ng ba-hid-pulitika. Iniiwas ko ang sarili ko sa pulitika nga-yon," sabi ni Robin.

Ang tinutukoy ni Robin ay ang pagiging kapatid ni Kris kay Sen. Noynoy na tatakbong presidente sa 2010 elections. Sinabi kasi ni Bi-noe noon na ang tanging presidentiable na susuportahan niya ay si Makati Mayor Jejomar Binay.

Pero ngayong sa pagka-Vice President na lang ito tatakbo ay wala raw muna siyang ii-endorse sa pagka-Pangulo.

Sa pagiging endorser naman niya ng Jag, sinabi ni-yang: "Gusto ko noon pa na mag-endorse ng jeans. Kaya lang mailap pa sa akin ang maging endorser ng jeans. "

* * *

TULOY pa rin pala ang panliligaw ni PJ Valerio sa panganay na anak ni Robin Padilla na si Quennie.

Mismong si Robin ang nagbuko nito sa press. Wala raw problema si Robin sa young actor-singer na sui-tor ng anak. Ang napapan-sin lang daw ni Robin, mula nang ma-in love si Queenie, nagbabago na raw ang treatment sa kanya ng anak. Pormal na raw ito kung maki-tungo sa kanya at lady-like na talaga. Hindi raw tulad noon na sobrang malambing ito sa kanya. Iba na raw ngayon si Queenie dahil may sariling mga lakad na at natututo na raw maglihim. Ang misis na lang daw niya at si Queenie ang nagkaka-intindihan.

"Sa ngayon kung tatanungin ninyo ako kung ano ang status ng relasyon nina Queenie at PJ, hindi ko alam. Hindi ako nagtatanong sa anak ko. Nalalaman ko lang sa tsismis. Basta pinapayo ko sa anak ko na huwag aalis sa tradisyon ng mga Pinoy at sa alituntunin ng aming relihiyon. Basta, hindi sinusuway ng anak iyon, okey lang sa akin," say pa ni Robin.

* * *

Uso yata ang pagpapakasal ngayong buwan dahil ang sexy actress na si Michelle Madrigal at hunk na si Jon Avila naman ang next to tie the knot this Halloween sa TV5.

Pero hindi yata good idea ang pagpapakasal ng Halloween, dahil may sumpa ang bloody bride at 'yan ang gugulo sa wedding nina Kat (Michelle) at Bullet (Jon) sa Halloween special episode ng Midnight DJ sa "Trahedya De Boda" episode.

May paniniwala na ba-wal isuot ang gown ng bride bago ang wedding day.

Will Samboy (played by Oyo Sotto) and the whole Midnight DJ team be able to save lahat ng bride-to-be at magtagumpay sa malupit na sumpa ng bloody bride lalo na at malakas ang kapangyarihan niya ngayong Halloween?

* * *

Lalong gumaganda ang istorya ng Ikaw Sana ng loveteam nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Kung anu-anong kadramahana ang papasok sa buhay ni Jen ng mga taong malapit kay Mark sa Ikaw Sana.

Ngayong linggo ay mapapanood kung paano babagsakan ng telepono ni Don Ramon si Eliza at mawawalan ng saysay ang imbestigasyon ni Amanda dahil hawak pala ni Loreta si Philip. Hindi alam ni Eliza na iniipit pala ang kanyang mga sulat at walang nakakarating sa kanyang pamilya.

Source: Taliba