|
|
| Robin 'di nagtatampo sa SiyeteAuthor: Tonee Coraza Sa imbitasyon ng kaibigan naming si Josef de Guzman ay dumalo kami sa Hug Me Campaign ng mga kapatid nating may sakit na psoriasis. Ang psoriasis ay isang skin condition na naglalabas ng red scaly patches sa balat ng tao. Nakukuha ito through genes, meaning hereditary ito at take note, hindi ito nakakahawa. Kaya ang mga kapatid nating may ganitong skin condition ay hindi dapat pandirihan o layuan. Kaya naman inilunsad ng Psoriasis Phils ang Hug Me Campaign sa pangunguna ni Dra. Lorna Fernandez-Frez. Nag-imbita sila ng sikat na celebrities tulad nina Robin Padilla, Jake Cuenca, Nancy Castiglio-ne at Robi Domingo para makibahagi sa napakagandang adhikain na ito. Ang mga artistang nabanggit ang nanguna sa pag-yakap ng mga kapatid na-ting may psoriasis para ipa-kita sa lahat na hindi sila naiiba sa atin at hindi dapat na katakutan. Sa interview namin kay Robin, ayaw niyang ma-label bilang Kapamilya o Kapuso. Basta freelancer daw siya na puwedeng magtrabaho kahit saang network o movie company. Sa ngayon ay may sisi-mulan siyang pelikula sa Star Cinema kasama si Toni Gonzaga. Iginiit din niyang hindi niyang tinanggihan ang teleserye with Kris Aquino, Kim Chiu at Gerald Anderson. Gustung-gusto raw niyang makatrabaho ulit si Kris. Nagkataon lang na mas gusto niyang mag-concentrate muna sa pelikula niya sa Star Cinema. Matagal na niyang hindi ipinagsasabay ang TV at pelikula dahil masakit daw sa ulo 'yun. Wala raw siyang tampo sa GMA. Sa katunayan, nag-usap pa raw sila ni GMA exec Wilma Galvante kamakailan lang. Hindi rin totoong may alitan sila sa head writer ng Totoy Bato dahil sa ginawa niyang ending ng teleserye niya. Pinalaki lang daw 'yun. * * * Ipinagmamalaki ng Repertory Phils ang kanilang last production for this year, ang Tony-award winning musical na Sweeny Todd na ginawang pelikula ni Johnny Depp last year. Theater legend Audie Gemora plays the title role with Menchu Lauchengco Yulo (na kamukhang-kamukha ni Agot Isidro) as Mrs. Lovett, Franco Laurel, Robbie Guevarra, Roger Chua and Lena McKenzie. Musical director is Gerard Salonga while Baby Barredo and Michael Wil-liams co-direct. Playdates are from Nov. 14 to December 13 (Fridays and Saturdays) at 8pm with matinees at 3:30 pm every Saturday and Sunday at Onstage, 2/F Greenbelt 1, Paseo de Roxas, Makati. For tickets pls call 8870710 or 8880887. Sa mga hindi pamilyar sa Sweeny Todd musical, istorya ito ng isang barnerong serial killer na pinapatay ang mga nagiging biktimang customers at ginagawa itong meat pies! It opened in Broadway in 1979 and first staged sa Pilipinas noong 1982, under Rep Phils also. * * * Super-natutuwa kami sa kaibigan naming singer na si Myrus dahil guest siya this Sunday sa ASAP. Sa sobrang hit ng kanta niyang Sayang ay ipi-feature ito ngayong Linggo sa production number na radio hits. Next Sunday (Nov. 8) ay nasa SOP naman siya at makakasama sina Gretchen Espino at Eva Castillo. Patuloy pa rin ang kanyang SM Mall tour at this weekend (Nov. 6) ay nasa SM Dasmariñas siya, his hometown. Sa Nov. 7 ay nasa SM Sta. Mesa siya at sa Nov. 8 ay nasa SM San Lazaro siya. Go, go, go Myrus! Source: Taliba |