Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Robin, hindi tanggap si BB Gandang Hari?

Robin, hindi tanggap si BB Gandang Hari?

Author: Ruel Mendoza

MAY nagbulong sa akin na lalo raw hindi matanggap ni Robin Padilla ang bagong pagkatao ngayon ni Rustom Padilla bilang BB Gandang Hari.

Anyway, kahit naman noon ay hindi itinago ni Binoe ang nararamdaman niya sa big­lang pag-iba ng pagkatao ng kanyang utol na si Rustom.

Inamin naman ni Binoe noon na hindi pa niya natatanggap nang husto ang bagong imahe ng kanyang kapatid. Naguguluhan pa raw siya noon.

Eh, lalo pa siguro ngayon, na ibang-iba na si Rustom, at babaeng-babae na.

Kaya sa pagi­ging BB Gandang Hari nga ni Rustom ngayon, mukhang mas maguguluhan sila. Hindi ba, tsinugi na ni BB si Rustom Padilla?

Ibig bang sabihin ni BB na pati ang pagiging Padilla ay pinatay na rin niya?

Gandang Hari na kasi ang gusto niyang gamitin sa lahat ng kanyang magiging identification cards at documents.

Siyempre, natural na nakaka-offend ito para sa Padilla family?

Maging si Mommy Eva (Padilla), noon pa man ay hindi sang-ayon sa pagmumujer ni Rustom. Ano na kaya ang magiging reaction ni Mommy Eva dahil nagpapaka-supermodel na si Rustom bilang BB?

Magpadasal kaya si Mommy Eva sa lahat ng simbahan kapag humarap na sa kanya ang dati niyang macho na anak?

Abangan na lang natin ang magaganap na pagtatagpo ni BB at ng Padilla family.
***

MARAMI ang ginulat at nagunlantang sa pag­labas ni Rustom Padilla sa telebisyon noong Sabado sa programang Startalk. Marami ang nagulat dahil 'pinatay' na niya si Rustom Padilla, at binuhay niya ang bago niyang pagkatao bilang si BB Gandang Hari.

Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Rustom ang reaction ng kanyang pamilya sa kanyang pagiging 'babaeng-babae' na ngayon. Pero naniniwala siyang maiintindihan at matatanggap siya ng mga ito dahil wala naman daw siyang ginagawang masama o sinsaktan na tao. Ang hinihingi lang daw niya ay pang-unawa.

Isa sa inaabangang reaction sa pagdating nga ni Rustom ng bansa na bihis babae at anyong babae na ay ang kapatid nitong si Robin Padilla.

So far, hindi pa ito nakakausap tungkol sa kung anuman ang saloobin niya sa kapatid. Pero, ayon sa text message ni Direk Deo Fajardo, ang director na parang ama-amahan at malapit kay Robin.

“Wala siyang (Robin) reaction, so far. Nasa edad na raw ito and he knows what's best for him. 'Yun ang sinabi niya from the start,” sabi pa ni Direk Deo.

Kumbaga, sabi nga, parang dapat lang na tanggapin ni Robin ang ginagawa ni Rustom ngayon. Hindi naman nila maibibigay ang kaligayahan ni BB.

Sa kasalukuyan, nasa Mt. Punlag sa Bontoc (malapit sa bayan ni Marky Cielo) daw si Robin at nagti-training para sa Totoy Bato, ang bago nitong serye sa GMA 7.

Source: Abante