Apr 18
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rocco, rides on loveteams popularity

Author: Nitz Miralles

Na-interview namin ang mag-ama sa Trudis Liit na sina Nick (Cris Villanueva) at Trudis (Jillian Ward) sa second to the last day taping ng afternoon soap na malapit nang magtapos. Nanghihinayang si Cris dahil malayo pa raw sana ang itatakbo ng soap at marami pang gagawin si Jillian, pero 18 weeks na silang umeere.

Sabi ni Cris, dahil sa Trudis Liit naging household name siya, kilala siya ng mga misis at Papa Nick ang tawag sa kanya.

Mas naka-relate siya sa father role dahil halos may three-year-old daughter siya na kuwento ni Cris, nagselos kay Jillian mula nang kantahin ang Tomorrow dahil itinuro rin niya sa anak na si Zeena ang kanta. Pinakilala niya ang dalawang bata at ngayon, friends na at madalas mag-usap sa phone.

Heto ang description ni Cris kay Jillian: "She's very powerful, pero hindi pa niya alam ang power niya. Hindi rin trabaho ang tingin niya sa ginagawa niya. Her innocence is very intact at 'pag nag-deliver ng dialogue, very fresh at totoo ang reaction. Ang galing umarte, she's very real. Her innocence is her power. "

Marunong sumagot si Jillian sa sinabing ma-miss niya ang lahat ng kasama at mga director ng Trudis Liit. Ayaw pa nitong magkuwento sa Captain Barbell at ang first movie niyang Agimat Ni Enteng ang tsinika. Gusto raw niyang manalong best child actress sa nasabing movie dahil pinangakuan ng manager niyang si Joe Barrameda na dadalhin sa States.

Ibinalita rin ni Jillian na bukod sa may car na sila, nakalipat na rin sila sa New York Mansion na may swimming pool at may parking.

"Kapag nag-behave ako, bibilhan ako ng flat TV ni Tito Joebarr para sa bedroom ko, gift niya sa akin. May iPad na rin ako, malaki," balita ng bagets.

* * *                                                                                      

I-introduce sa Koreana  ang love triangle nina Kris Bernal, Rocco Nacino at Steven Silva. Original story ito, pero sumakay sa kasikatan ng Korean wave sa bansa. Sa October 11 na ang pilot ng afternoon drama sa direction ni Gil Tejada.

Kasama sa cast sina Eula Valdez, Lotlot de Leon, Sylvia Sanchez, Angelu de Leon, Marco Morales, Joyce Ching, Saab Magalona, Ram Revilla at Eddie Garcia.    

Marunong ng Korean si Steven dahil tinuruan ng ex-GF niyang Korean at tinuturuan naman nito si Kris. Wish ng press na tigilan na ni Rocco ang pagsasabing happy siyang makatrabaho si Kris dahil crush niya ito dahil lahat na lang daw nang nakakatambal crush niya. Negative tuloy ang dating sa kanya sa mga pahayag niyang ito.

Lalabas ding pilit 'pag ini-link si Kris kina Steven at Rocco dahil sa isang interview, inamin na rin nito finally na may BF siya at kahit hindi pinangalanan, alam na si Jay Perillo ang real BF niya at picture nito ang nakita naming screen saver ng kanyang celfone.

* * *                                                                                        

Sa Bantatay, pagtatangkaan nina Baldo (Kier Legaspi) at Bruno (Jim Pebangco) na gawing azucena si Bantay. Malalaman ni Frankie (Jesi Corcuera) ang pagmamalupit nina Daisy (Camille Prats) sa mga anak ni Bernard (Raymart Santiago).

Samantala, starting this Monday, magbibigay ng tips at information ang Bantatay sa viewers kung paano maging "responsible pet ownership" si Bantay sa bilin ni Bantay at boses ni Raymart ang gagamitin. This is in cooperation with Philippine Animal Welfare Society o PAWS. Manood para malaman ang tamang pag-aalaga sa mga alaga ninyong hayop.

* * *

Sa Endless Love, pumunta si Johnny (Dingdong Dantes) sa bahay nina Jenny (Marian Rivera at sa kanilang pag-uusap, hindi ipinaalam ni Jenny na may sakit siya. Pupunta sina Jenny at Andrew (Dennis Trillo) sa Manila para magpagamot at awang-awa ang binata habang suma-sailalim si Jenny sa mga test.

Dadalhin ni Nora (Ces Quesada) si Yumi (Bela Padilla) sa ospital na pinagdalhan ni Andrew kay Jenny at makikita ng mag-ina ang dalawa at maririnig nila sa nurse na may cancer si Jenny. Dudugo ang ilong ni Jenny at kailangan na niya ng bone marrow transplant dahil critical na ang kanyang kalagayan.

* * *

Sa Ilumina, dahil sa pagkagahaman sa kapangyarihan, papayag si Frederico (Christopher de Leon) na mamatay para maging itim na sorsera. Binasbasan na rin si Krisanta (Jackie Rice) bilang itim na sorsera.

Sa chamber ng mga puting sorsera, gagamutin ni Elena si Romana (Rhian Ramos) at magpapakilala itong si Puti, ang kalapating alaga ng dalaga. Hihintayin ni Elena si Romana sa kabilang gate 'pag handa na itong bumalik sa katinuan.

* * *

Guests sa Monday episode ng Full Time Moms na Sabi Ni Mommy sina Igi Boy Muhlach, Lexi Fernandez at Bela Padilla at ikukuwento kung paano lumaki na ang ina o may kamag-anak na nasa showbis. Isi-share ng tatlo ang payo ng kani-kanyang ina sa kanilang tatlo.

Hosts sina Suzi Entrata-Abrera at Christine Jacob-Sandejas sa Full Time Moms napapanood 10:30 a. m. , Monday to Friday sa Q Channel 11.

Source: People's Journal