Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rochelle at Arthur, mag-on!

Rochelle at Arthur, mag-on!

Author: Dondon Sermino
Column: Palaban 'To No!

PABORITO ng OFWs, lalo na sa Dubai, ang Eat Bulaga. Kaya kahit paulit-ulit pa silang bumalik doon ay hindi talaga nagsasawa ang grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Sa Saturday (May 24) ay mapapanood sa Eat Bulaga kung paano napuno ang 6,000-seater Dubai Tennis Stadium ng mga Pinoy na miss na miss na ang kanilang mga pamilya rito sa Pilipinas.

Siyempre, panay ang tukso ng mga Pinoy sa Dubai sa loveteam nina Vic at Pia Guanio.

Kasama ng Eat Bulaga na nagpasaya ng mga Pinoy roon ang Talentadings, na binubuo nina Joel, Al at Kim.

Sina Pia, Pauleen Luna at Julia Clarete, with EB Babes, ang nag-open ng show, na sinundan nina Allan K, Jose at Wally.

At kahit saan mo dalhin si Francis Magalona, makikita mo talaga na click na click sa mga Pinoy ang pagra-rap niya. Pero, lalong nabaliw ang mga Pinoy sa Dubai nang tumugtog na ang “Kagat Labi”.

Umabot sa tatlong oras ang show ng “Eat Bulaga” sa Dubai. At medyo naluha-luha pa nga ang mga Pinoy roon nung patapos na ang show, lalo na nung kinanta nila ang “Salamat” ng The Dawn.

Sa totoo lang, malaking paghihirap ang dinaranas ng mga Pinoy sa ibang bansa. Pero, natitiis nila ang lahat para mabigyan lang ng magandang buhay ang mga pamilya nila rito sa Pilipinas. Ang mga ganitong show ay malaking bagay na para maging masaya ang buhay nila, kahit sandali lang.
***

Si Arthur Solinap kaya ang special guest ni Rochelle Pangilinan sa birthday show niyang “Princess Rochelle & the Seven Special Surprises” sa May 24, sa Zirkoh Timog?

Bagama't ayaw pang umamin ng dalawa na mag-on na sila, eh, kitang-kita naman sa mga drama nila na sila na, 'no! Aba, madalas silang magkasama, at kitang-kita naman kung paano alagaan ni Arthur si Rochelle.

Pero sige na nga, hayaan na lang natin sila kung kailan nila type umamin?

Basta ako, ang alam ko ay mag-on na sila.

Basta sa ngayon, excited at kabado si Rochelle sa birthday show niya sa Sabado. Hindi raw kasi niya alam kung sino ang mga guest niya. May mga lihim pa raw na malalantad sa gabing 'yon?

Anyway, para sa mga detalye, tawag na sa 374-8270/374-8202.

Source: Abante