|
|
| Rochelle crush ni Bob ArumAuthor: Tonee Coraza Walang umuwing luhaan sa mga naimbitahang reporters sa presscon ng bagong sitcom sa GMA-7 ni Manny Pacquiao na Show Me The Money. Lahat ng reporters na present ay nakakuha sa ipi-na-raffle niyang P300K ng P5K, bukod sa anim na nakakuha ng P10K. Natalbugan tuloy bigla ni Manny ang lahat ng sikat na artista na super-yaman din naman kung bakit hindi nila maisipang mag-share at magpa-raffle rin ng ganitong kabongga sa prescon ng kanilang TV show o pelikula! Biruin mo naman, naka-kabili ang mga artistang ito ng mamahaling mga sasakyan at branded bags worth millions of pesos pero super tsani naman pagdating sa press! I guess mga sarili lang nila ang kanilang iniisip. Buti na lang ibang-iba si Manny sa kanila! Panay ang puri ng mga kasamahan ni Manny sa kanya sa Show Me The Manny, tulad nina John Lapuz, Tuesday Vargas, Benjie Paras at Paolo Contis. Natural daw ang pagiging komedyante ni Manny at may pagka-perfectionist din ito. Talaga raw super-rehearse si Pacman sa punch lines niya sa script. Mahilig din daw itong mamigay ng tseke, hirit pa ni Tuesday. Sabi ni Manny, malabo raw magselos si Jinkee kay Marian Rivera tulad sa pagkaselos nito kay Ara Mina nang gumawa sila ng pelikula ng aktres noon. Si Marian pa raw mismo ang personal choice ni Jinkee para makapareha niya sa sitcom. Isa pa alam naman daw ni Jinkee na may Dingdong Dantes na si Marian. * * * Para kay Rochelle Pangi-linan, malaking suwerte rin sa kanya ang pagkakasama niya sa Show Me The Manny dahil siguradong patok na ito sa ratings. Ngayon pa lang nga ay pinipilihan na ito ng advertisers. Katunayan may three major sponsors na kaagad ang show. Sigurado si Rochelle na hindi siya pagseselosan ni Jinkee dahil parang younger sister na raw ang turing sa kanya ni Manny. Isa pa, si Bob Arum na boxing promoter ni Manny, ang may crush sa kanya at hindi si Pacman. Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi siya puwedeng mag-all out na magpa-sexy kasi marami raw si-yang fans na bata na sinusubaybayan siya hanggang ngayon sa "Chacha Muchacha" ng Daisy Siete. Wala rin siyang boyfriend ngayon kasi ang priority niya ay ang pamilya. Naipagpagawa na niya ng bahay ang nanay niya worth P2. 5M. * * * Bagay na bagay kay Karylle ang linyang "No regrets, No Scars. " Kasi nga ay nakapag-moved on na siya nang bonggang-bongga mula sa failed relationship with ex-BF Dingdong Dantes. Nakatulong pa nga, careerwise ang pagiging single niya ulit dahil nagkasunud-sunod ang TV shows at commercial endorsements niya. Ang latest nga ay ang Hiruscar, isang 2-in-1 recovery scar care product na formulated pa sa Switzerland. Nagpapagaling ito sa mga peklat na resulta ng surgery, accidents, pimples, acne, stretch marks at chicken pox. Magiging smooth and flawless ang inyong balat after 2 to 6 months of usage. Dahil sa kanyang flawless skin kaya ang dami-dami ngayong suitors-admirers ni Karylle. At nadagdag na sa lista-han si Coco Martin at isang events DJ. Pero mukhang mas nage-enjoy muna si Karylle sa trabaho at ang latest teleserye niyang Dahil May Isang Ikaw ay mappaanood na sa Lunes, Aug. 24 sa ABS-CBN. Source: Taliba |