Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rochelle nag-deny na may sex video

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

Nagulat ang Daisy Siete Season 23 lead actress na si Sexbomb Rochelle Pa-ngilinan tungkol sa tsismis na may sex video scandal daw siya.

Tinawanan lang nito ang malisyosong tsika dahil hindi naman ito totoo.

Kaya ayaw na niyang mag-react para mamatay na lang nang kusa ang naturang isyu.

Inamin din ni Rochelle na napo-pogian siya kay Dr. Hayden Kho noong hindi pa pumuputok ang kontrobersiyal nitong sex vi-deo.

Kahit sino naman sa showbiz noon ay talagang sinasabi na guwapo ang ex ni Dra. Vicki.

'Yun nga lang hindi niya type si Hayden at hindi pa raw niya ito nami-meet nang personal.

Kaya pakiusap ni Rochelle ay tigilan ang isyu na may sex video siya.

Happy si Rochelle sa magandang rating ng "Cha Cha Muchacha" kaya kahit walang lovelife ay inspired na inspired siyang magtrabaho.

* * *

Isang insider mula sa pelikulang Tarot ng Regal Films ang nagtimbre sa amin na nawawala raw sa mood ang pinakabagong Darna na si Marian kapag hindi tumatawag sa kanya si Dingdong Dantes.

Kaya naman ito na mismo ang tumatawag during break ng nasabing shooting.

Dinig na dinig ng aming source na sinasabi ni Ma-rian na: "Dad, bakit 'di ka tumatawag? Anong ginagawa mo Dong?"

Dagdag pa ng aming source, hindi na yata nila mabilang kung ilang beses tumatawag si Marian kay Dingdong.

Kaya naman daw kahit mag-deny ito na hindi sila ay malabong paniwalaan ng mga taong nasa shooting ng Tarot.

Obvious na obvious kasi sa pag-uusap ng dalawa na sila na nga at inililihim lang sa publiko.

Gumaganda nga raw ang mood ni Marian everytime na makakausap nito si Dingdong.

At talaga namang uma-asim ang mukha kapag hindi makontak ang guwapitong actor.

Yun na!

* * *

Na-starstruck ang press people sa kakaibang ganda ni Karylle sa presscon-contract signing nito bilang newest endorser ng Pink Water Body Spray by Ever Bilena.

Marami tuloy ang nagtanong na baka may ipinaretoke si Karylle kaya naman mas gumanda ito ngayon.

Pero mabilis nitong itinangi ni Karylle at sinabing ang sikreto lang ay sobrang in-love siya kanyang trabaho at alaga ang kanyang sa-rili.

Hindi raw niya kailangang maging miyembro ng "salamat po, doktor. "

Bukod kasi sa pagiging endorser ng Pink Water ay mga regular shows siya sa ABS-CBN na ASAP, Maruja at ang malapit nang mapanood na Dahil May Isang Ikaw.

Loveless daw ngayon si Karylle pero masaya naman siya.

* * *

Hindi natatakot ang prime star ng GMAAC na si Rhian Ramos na pagselosan siya ni Marian Rivera dahil si Dingdong ang next niyang leading man sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Stairway to Heaven .

Ito ang next project ni Rhian after ng successful na Zorro, na pinagbidahan nila ni Richard Guttierez.

Kasama rin siya bilang isa sa leading ladies ni Sen. Bong Revilla sa pelikulang Panday.

Inulit ni Rhian na purely work lang daw 'yung sa kanila ni Dingdong kaya walang dapat ipagselos si Marian.

Happy si Rhian sa magagandang projects na ibi-nibigay sa kanya ng GMA-7 kaya career muna ang kanyang inaatupag at saka na ang lovelife.

Source: Taliba