|
|
| Rochelle wish ma-lips to lips ng bagong aktor![]() Author: Tonee Coraza NAGSE-CELEBRATE ang Daisy Siete ng kanilang 6th year anniversary ngayong taong ito. And they are now on their 23rd season titled "Chacha Muchacha. " May pagka-17 Again ang tema ng pelikula kung saan bumalik ang kaluluwa ni Daria Ramirez sa batang katawan ni Rochelle Pangilinan. At sa pagkakataong ito ay may bago na namang leading man si Rochelle na isang guwapong ramp and commercial model na si Kurt Dreo. Sa ipinatawag na prescon ay panay ang tukso ng ibang Sexbomb kay Rochelle kay Kurt. Paano naman kasi ay matangkad ito (6'1) at napaka-macho pa. Nahahawig ito kay Carlos Agassi noong bagets pa ang aktor. Aminado naman si Rochelle na mahilig talaga siya sa mga mestisuhin. Kaya nga na-link silang dalawa ni Arthur Solinap na kasama rin "Chacha Muchacha. " Nasa "dating stage" pa raw silang dalawa ni Arthur hanggang ngayon at walang seryosong bagay na namamagitan sa kanila. Nagustuhan ni Rochelle ang pagiging gentleman ni Arthur. Hindi raw nagte-take advantage ito sa kanya. Although wish daw niya minsan na halikan naman daw siya ng aktor sa lips dahil sigurado raw siyang kikiligin noon. Crush rin daw niya si Richard Gutierrez dahil tisoy ito. Nawala naman ang pagka-crush niya kay Dingdong Dantes simula nang makahiligan nito na mag-tan para sa Bench underwear billboards. Masaya ring ibinalita ni Rochelle na naibili na niya ng sariling bahay ang mommy niya sa Malabon to the tune of P2. 5M. Sadyang napakabait na anak ni Rochelle na lahat ng kinikita niya ay napupunta lang sa pamilya niya. Wala rin siyang balak na kumalas sa Sexbomb. Sinubukan na raw nila ni Tito Joy (Cancio) na magsolo siya dati nang magkaroon siya ng sariling album pero sadyang nami-miss niya ang company ng kanyang sisters sa Sexbomb. "There was a time na may separate dressing room na ako pero hindi masaya eh. Mas gustoko talagang kasama ang grupo. We have been together already for the past 10 years, lalo na si Jopay. Kaya ganoon na kalalim ang bond namin sa isa't isa," pahayag ni Rochelle. Kasama rin sa "Chacha Muchacha" sina Jopay, Daniel Fernando, Daria Ramirez, Irene Celebre at ang nagbabalik na si Camille Roxas na ang katotong Benny Andaya na pala ang manager ngayon. Nakakatuwa na aktibo na pareho ang dalawang "ex" ni Mark Gil na sina Irene Celebre (mommy ni Gabby Eigenmann) at Bing Pimentel (mommy ni Sid Lucero) na nasa Dos naman ngayon. * * * Aba, napakasuwerte naman ng all-female group na La Diva kasi kinuha sila ng Sony Music para mag-record ng kanilang debut album dito. Ang La Diva ay kinabi-bilangan nina Jonalyn Viray, Maricris Garcia at Aicelle Santos na pare-parehong produkto ng Pinoy Pop Superstar. May kanya-kanya nang sariling solo album sina Jonalyn, Maricris at Aicelle na lumabas under GMA Records. But this time dahil nag-click nang husto ang grupo nilang La Diva ay magre-record naman sila ng album as a group. This is co-produced by GMA Records pa rin with Sony Music. Wish naming makagawa rin ng album ang all-male group na "You've Got Male" na kinabibilangan nina Jan Nieto, Gian Magdangal, Harry Santos at Bryan Termulo na regular ring napapanood sa SOP! Source: Taliba |