|
|
| Role ni Gabby sa Katorse ire-remake ni EJ FalconAuthor: Noel Asiñas MAGANDA ang ibinunga sa Pinoy Big Brother 2008 winner na si EJ Falcon ang pagiging endorser ng Olive C soap ng Psamstre ni Mr. Jaime Acosta. Kasi, lalong naging sikat ang bagets sa mga fans. Madalas kasing magpromote si EJ sa mga mall sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Kasi naman, dala si EJ siyempre ni Mr. Acosta para i-promote ang Olive C. Tuloy naging hit si EJ at lalong nakilala sa May Bukas Pa soap ng ABS-CBN nang lumabas bilang anak ni Rosanna Roces. Sa ngayon, excited na si EJ sa bago niyang soap na Katorse, ang remake ng movie ng Regal noon 80s. Gagampanan ni EJ ang role noon ni Gabby Concepcion. Samantala, malapit na ring makita ang bagong billboard ni EJ sa itaas ng Ara-neta Square sa EDSA Mo-numento sa Caloocan as endorser ng Olive C. * * * WALANG urungan ang pagpirma si Melanie Marquez ng bagong kontrata sa Psamstre Enterprises, Inc. sa darating linggo. Balita kasing muntik nang makuha si Melanie ng kalabang company ng Psamstre. Buti naman muling nagkasundo at nagkaunawaang mabuti sina Melanie at Mr. Acosta. Matatapos na kasi nga-yong May ang 3-year contract ni Melanie. Mas mataas ang bayad at mas mahaba pa ang kontratang ino-offer sa kanya ni Mr. Acosta. Ang katwiran kasi ni Mr. Acosta, dahil kay Melanie laging No. 1 ang New Placenta soap sa market. Hindi rin naapektuhan ng mga naglalabasang white-ning soaps sa merkado ang sales ng New Placenta. Infact, lalo pang lumawak ang market ng produkto nila. Mayroon na rin kasing New Placenta sa Japan, Hong Kong, Malaysia, Thailand, Middle East, Europe at Estados Unidos. Kung saan may mga Pinoy, mabili ang sabon dahil ginagamit ni Melanie. Si Melanie ang agad natatandaan ng mga Pinoy na sa edad niya ngayon ay na-natiling bata at flawless ang kutis. Ayon nga kay Mr. Acosta, "kutis-bagets pa rin. " * * * INAMIN ni Ian de Leon na hindi pa makauuwi ng bansa ang kanyang butihing inang si Nora Aunor. Today, May 21, ang 56th birthday ni Ate Guy. Kaya naman si Ian sa presscon ng indie film na Tutok ay masayang-masa-yang nagkuwento ng mga nangyayari sa kanyang ina. "Kung makauuwi ng bansa ngayong taon ang mommy ko, siyempre'y ako ang unang makakaalam nito. Alam ko'y maraming natanguang show si Mommy sa US. Kabi-kabila ito at wala siyang panahon na makabalik agad sa bansa. "Alam ko masaya siya ngayon doon. Nang huli ko siyang nakita sa America, walang anumang problema siyang binabanggit sa akin. "Kung totoo mang ma-saya siya ngayon dahil may bago siyang pag-ibig, masaya ako sa kanya. Alam ko namang hindi gagawa ang mother ko ng ma-kasasama sa kanya. Kung may bago siyang love, full support ako bilang kanyang anak. " Sa pagkakaalam ni Ian, ang mother na rin niya ang nagma-manage ng career niya sa States. Wala na siyang manager na kasama ngayon. Matagal nang nakabalik sa bansa si Nori Sayo, ang confidant-manager sa bansa ni Ate Guy na napaba-litang pinakasalan sa abroad ng Superstar. Sa movie, lalabas si Ian na leader ng Abu Sayaff. First time din niyang gaganap sa role na manre-rape ng kapwa lalaki. Ang biktima niya'y si Emilio Garcia. Kaya may dialogue pa siya na "masarap pala. " Eh, nang tanungin namin iyon sa kanya ay sinunod lang daw niya ang nasa script. Kaya wala siyang magagawa kung may mga ga-nitong nananalita siya. Sa totoo lang, happy si Ian sa non-showbiz girl friend niya na dating flight stewardess. May anak na siya sa unang asawa at happy siya sa career niya dahil hindi siya nawawalan ng soap sa GMA-7. * * * HAYAGANG sinabi ni Yasmien Kurdi sa isang interview na never silang na-ging mag-on ni Dion Ignacio. Kahit pa noong sila'y nagsimula sa StarStruck. Super-close lang daw sila at friendship lang ang namamagitan sa kanila. Hindi pa raw handa si Yasmien na makipag-re-lasyon sa opposite sex, kasi marami pa siyang gustong matupad na mga pangarap. Gusto rin niyang pa-sayahin ang father niyang Lebanese na ang hangad ay makapagtapos siya ng pag-aaral. Super-saya si Yasmien ngayon dahil mataaas ang rating ng first episode ng Dear Friend na "Madrasta" na napanood last Sunday. Sa Linggo ay mapapanood na 'yung episode na nagpaseksihan sila ni Iwa Moto sa pagsusuot ng 2-piece swimwear. * * * MASARAP talagang panoorin ang no. 1 at longest running gag show sa bansa tuwing Friday, ang Bubble Gang. Sa episode sa Friday ang kuwento ng mga nawawalang gamit, mga nangangagat na bampira at nagkukunwaring maging manok ang bida sa Bubble Gang. Guests sina Sunshine Dizon, Dennis Trillo at Jackie Woo. * * * LABANAN ng mga artista ngayong Thursday sa Hole in the Wall. Ang programang ito na ang undisputed game show ngayon sa telebisyon. Laging no. 1 sa ratings game kaya naman paborito ng mga bata't matandang televiewers. Abangan ngayong gabi kung sino ang magwawagi sa mga Kapuso stars. Source: Taliba |