Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ronnie Puno, malaking tagahanga ni Mega

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'n Spicy

Na-miss ni DILG Secretary Ronnie Puno ang entertainment press kaya naman muli siyang nagpatawag ng mini-presscon courtesy of Manay Lolit Solis last Thursday na ginanap sa Annabel's Restaurant sa Tomas Morato.

Ayon sa nakababatang kapatid ni Dong Puno, nag-enjoy daw siya sa una niyang pagharap sa entertainment press noon kahit pa masyado raw penetrating ang mga tanong sa kanya't ninerbyos talaga siya.

Noong nakaraan kasi niyang pagharap sa amin ay pinutakti siya ng tanong tungkol sa pagkaka-link ng kapatid na si Dodie Puno kay Gretchen Barretto.

In fairness ay very safe naman niya itong nasagot.

Kaya para raw hindi na siya nerbyusin, minabuti niyang isama na ang kanyang pamilya sa presscon at ma-divert ang atensyon ng press.

Kasamang dumating ni Sec. Puno ang asawang si Pinky at tatlong anak na babae na sina Wendy, Rona at Nina.

Nakatutuwa ang tatlo niyang anak dahil may inihanda silang sorpresa para sa press at ito ay ang pagkanta ng a capella na ikina-impress ng lahat.

Samantala, kahit may baong "panglibang" si Sec. Puno ay hindi pa rin siya nakaligtas sa mga sabi nga niya'y penetrating questions ng press.

Natanong siya kung sino ang pinakamahigpit niyang makakalaban sa vice presidential race at kung sakaling tatakbo talaga si Sen. Kiko Pangilinan, ano ang pangtapat ni Mrs. Puno kay Megastar Sharon Cuneta?

"Ako, I am one of the biggest fans of Sharon, eh. Kasi, pati 'yung tatay niya, si Mayor (Pablo) Cuneta, was my friend, and itinuturing kong elder talaga, nagmamano ako riyan when he was alive.

"So, si Sharon has always been a very pleasant person, good to everybody, hindi lang sa amin but to everybody, so, I don't want to get into that.

"Ang kumpetisyon namang ito ay kung sino ang makakatulong sa ating mga kababayan at this point in our lives.

"Ang masasabi ko lang, I have a lot more experience siguro in the executive branch of government than Sen. Pangilinan, who is one of the best senators that we have. "Naging majority leader siya at a very young age. I think he's one of the top leaders of the country in terms of legislation.

"Ako naman, I'd like to think that I've proven myself to be one of the most effective in terms of the executive branch.

"Ngayon, ang pinagtatakbuhan namin is really an executive position.

"And after all, si Kiko has three more years as a senator. So, ganu'n ang magiging pakiusap ko later on.

"Ako naman, when I file my certificate of candidacy, I have to resign my position. Si Kiko will not. He will continue to be a senator for the next three years, win or lose.

"Wala pa namang pinal na desisyon kahit sino ngayon, baka naman pati sila makumbinsi ko na magtulungan kaming lahat dahil wala naman akong gustong awayin or kalabanin," paliwanag ni Sec. Puno.

* * *

Totoo nga ang tsismis. Hindi si Kim Chiu ang kapareha ni Gerald Anderson sa Tiagong Akyat, first installment ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla, kundi si Erich Gonzales.

Nagkaroon na ng first grand presscon ang nasabing serye at inanunsyo na ngang si Erich ang leading lady ni Gerald.

Ayon sa young actor, siyempre ay nalungkot siya noong una na hindi sila magkasama ni Kim dahil nasanay na rin siya na ito ang parating leading lady, pero at the same time, na-excite rin siya dahil kaibigan naman daw nila ni Kim si Erich at gusto rin niya itong makatrabaho.

Besides, say ni Gerald, parte raw ito ng pagsulong ng career nila ni Kim since may ginagawa rin naman ang young actress na movie ngayon na hindi siya kasama.

Magsisimula na sa August 15 ang Tiagong Akyat at mapapanood ito every Saturday afternoon bilang kapalit ng Komiks Presents Mars Ravelo's Nasaan Ka, Maruja?

Source: People's Tonight