Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Rosanna naging weird

SEEN: Nais ipaabot ng Seen/Scene ang pagbati sa ABS CBN, GMA 7 at sa mga radio at news reporters sa maayos at malawak na coverage nila sa Manila Peninsula stand-off noong Huwebes. Mga tunay na bayani ang mga miyembro ng media na naging matapang sa pagh...

 

Rosanna naging weird

Column: Seen Scene
Author: Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nais ipaabot ng Seen/Scene ang pagbati sa ABS CBN, GMA 7 at sa mga radio at news reporters sa maayos at malawak na coverage nila sa Manila Peninsula stand-off noong Huwebes. Mga tunay na bayani ang mga miyembro ng media na naging matapang sa paghahatid sa mamamayang Pilipino ang lahat ng kaganapan sa loob ng hotel na sinakop ng grupo ni Senator Antonio Trillanes.

SCENE: Isang 'malalim' na Rosanna Roces ang humarap sa mga reporter sa presscon ng Maging Sino Ka Man. Malalim dahil tungkol sa craft ang mga naging pahayag ni Rosanna na ginamitan niya ng malalalim na Ingles. Hindi na-impress ng aktres ang mga reporter dahil hindi 'yon ang kanyang personalidad. Na-weirduhan ang mga reporter kay Rosanna, maging sino man siya nang gabing 'yon.

SEEN: Magkasama sa isang restaurant sa Greenhills noong Huwebes si John Estrada at ang kanyang gilrfriend, former Miss Earth na si Priscilla Meirelles. Lahat ng nakakita sa dalawa ay nagsabi na bagay na bagay sila. Si Priscilla ang dating girlfriend ni Marc Nelson.

SCENE: Pinagkukumpara sina Senator Bong Revilla at Dennis Trillo. Hinangaan si Bong dahil hindi niya idinenay ang balita na naanakan niya ang dating beauty queen na si Josephine Canonizado. Siya ang dapat na tinularan ni Dennis na naging negatibo ang imahe dahil sa pagtanggi noon na siya ang ama ng anak ni Carlene Aguilar. Kung humingi ng pointers si Dennis kay Bong, hindi in limbo ngayon ang kanyang career.

SEEN: Late dumating si Kristine Hermosa sa presscon ng Enteng Kabisote dahil naipit siya sa trapik na resulta ng gulo sa Manila Peninsula noong Huwebes.

Magandang-maganda si Kristine at kung ang kanyang kagandahan ang pagbabasehan, talagang dapat manghinayang ang kanyang dating asawang si Diether Ocampo. Nakatabi ni Kristine sa presidential table si Ruby Rodriguez na kasama ang pangalan (together with Kristine and Dina Bonnevie) sa top three list ng mga supladang artista .

 SCENE: Nawawala uli sa eksena si Cogie Domingo. Walang balita tungkol kay Cogie mula nang manggaling siya sa Amerika at magkasabay sila ni Angel Locsin sa eroplano. Nanghihinayang ang PSG kay Cogie dahil isa siya sa mga mahuhusay na batang aktor. Kung naging professional noon si Cogie, sikat pa sana siya.

Source: The Philippine Star