Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

WELCOME!

Welcome to Telebisyon.net! Your online source of information about your favorite TV series. This site is fairly young and you are bound to encounter errors. Feel free to contact us if you happen to stumble upon an error. Your contributions, suggestions, and comments are more than welcome. :-)

 

Rosanna, nakaaaliw panoorin

Author: Abu Tilamzik

Doon din sa presscon nu'ng Huwebes, napagkasunduan nina Madam Violet ang title ng pelikulang ginagawa nila. Lisensyadong Kamao na raw ang title nito na kung saan kay Manny Pacquiao iikot ang kuwento tungkol sa buhay ng isang boksingero.

Puspusan ang shooting nila ngayon dahil sa first week of August ay tutulak na si Manny patungong Amerika para sa laban nila ni Hector Velasquez ng Puerto Rico.

Kasisimula lang ni Juliana mag-shooting sa pelikulang ito na muntik pa raw siya ma-pack up sa Batangas ang shooting nila at bago siya umalis patungong shooting, tinanong pa raw ni Juliana ang driver kung nasa kotse na ang mga damit at gamit para sa shooting.

Pagdating nila ng location, saka nila nalaman na hindi pala naisakay ng driver ang mga 'yon.

Mabuti't meron daw nagmagandang loob na mag-commute pabalik ng Maynila para kunin ang mga gamit ni Juliana.

***

Noong huling pag-uusap namin ni Lani Mercado, nagdesisyon siyang hindi na niya sasagutin ang mga paratang ng mag-inang Rosanna at Grace laban sa kanila lalo na kay Jolo Revilla.

Pati si Jolo ay ayaw na ring magsalita kahit naramdaman namin ang sama ng loob niya sa mga ibinibintang sa kanya.

Mabuting magku-concentrate na raw muna siya sa paghahanda sa pag-aaral niya sa Amerika.

Ang concern na lang ni Jolo ngayon ay ang kanyang anak, na ang dinig namin, ayaw nang ipakita sa kanya.

Gusto sana naming malaman kung bakit ayaw nang ipakita nina Rosanna at Grace ang bata kay Jolo? Naliitan pa rin ba ang mag-inang Rosanna at Grace sa P10,000 sustento para sa bata?

Ayaw ipakita ang bata kay Jolo dahil sa may voucher pa na papirmahan kapag naibibigay ang sustento?

Ayaw ipakita, dahil nagdududa na ba si Grace kung si Jolo talaga ang ama, nang minsang sinabi raw niya ito sa mga ka-chat niya?

Ilan lamang iyun sa mga isyung ipinupukol nina Rosanna laban kina Jolo at Lani na maayos namang nakisama sa kanila.

Ang mga ganung isyu ay hindi na siguro kailangan pang patulan.

Napapansin lang ito ngayon ni Rosanna dahil wala siya sigurong ginagawa at pinagkakaabalahan.

Ang pagkakaalam ko, matagal mawala ang epekto ng sobrang paggamit ng downers gaya ng Stilnox.

Maaaring isa pa rin ito sa epekto kay Rosanna kaya hindi na siya dapat patulan pa.

Hayaan na lang natin ang babaeng iyan na pati ang anak ay idinadamay na.

Marami pa silang pwedeng sabihin, ayon sa kanilang napapanaginipan at gustong isipin.

Hayaan na natin si Rosanna! Ituring na lang nating siyang isa sa mga nakaaaliw na panoorin sa TV, minsan ay pinagtatawanan o ipinagkibit-balikat.

Kapani-paniwala pa ba ang mga sasabihin niya?

Minsan ay napag-usapan si Rosanna sa isa sa mga miting sa Startalk. Pagkatapos siyang mapag-usapan, napagtanto namin na mabait talaga ang Diyos at naalis na si Rosanna sa buhay namin.

Isa iyun sa dapat naming ipagpasalamat nang husto.

***

Narito ang overnight ratings nu'ng nakaraang Huwebes na ang kabuuan nito'y nakakuha ng 19.5% ang GMA 7 at 15.4% ang sa ABS-CBN.

101 Proposal 8.2% vs. Bright Girl 9.3%;

Homeboy 11.2% vs. SiS 11%;

Rubi 16.4% vs. Beautiful Days 17.3%;

Game Ka Na Ba 18.9% at Wowowee 18% vs. Eat Bulaga 25.2%;

Kapamilya Cinema 14.5% vs. Daisy Siete 20.5%, Saang Sulok ng Langit 17.5%, Now and Forever 15.1%;

Meteor Garden 12.9% vs. Full House 19.4%;

TV Patrol World 21.2% vs. 24 Oras 29.2%;

Mga Anghel na Walang Langit 25.5% vs. Extra Challenge 30%;

Ikaw ang Lahat sa Akin 26.8% vs. Darna 35.9%;

Kampanerang Kuba 28.7% vs. Encantadia 37.4%;

Green Rose 23.8% vs. Sugo 37%;

Oh Feel Young 22.5% vs. Attic Cat 28.1%;

Maalaala Mo Kaya 13.2% vs. Magpakailanman 21.6%.

Source: Abante Tonite