|
|
| 'Rosario' ni Albert, aabot ng P50M!Author: Nitz Miralles Breaktime ng taping ng A Time for Us, ang ABS-CBN soap na co-produced ng isang Malayasian producer, kaya nakauwi ng bansa si Albert Martinez after one month. Magre-resume sila ng taping sa June 9, at Philippine scenes ng kukunan. Pupunta sila sa Boracay, Palawan at ibang parte ng Metro Manila. Darating sa bansa si Carmen Soo, ang kapareha ni Jericho Rosales, kasama si Luisa Chong na gumaganap na mom-in-law ni Albert sa soap na mala-Amalia Fuentes daw ang stature sa Malaysia, at isa pang Malaysian actor. Alagang-alaga sina Albert sa Malaysia, may special area silang pinapasukan 'pag may pinupuntahan at sa tig-iisang villa sa Duta Vista sa Kuala Lumpur naka-billet. Problema lang ng actor ang food sa Malaysia na karamihan ay maanghang. Pagdating niya, agad siyang nagpaluto ng sinigang na baboy sa asawang si Liezl Martinez. Hindi pa alam ni Albert kung kailan ang airing ng soap, pero tiniyak nitong magugustuhan ng viewers, dahil maganda sa lahat ng aspeto. Isa sa ikinagusto nito sa pagkakasama sa cast ay ang chance na makatrabaho si Christopher de Leon. "Ultimate dream ko na project ang makasama si Boyet. I've been waiting for this for a long time. Nagkasama na kami sa movie, pero wala kaming eksena masyado. "Sa TV, first time namin at pareho kaming excited. May mga eksena na kaming kinunan ni Direk Gilbert (Perez) sa Malaysia, pero hindi pa ganu'n kabigat," sabi ni Albert. Busy din si Albert sa paghahanda sa pelikulang iku-co-produce niya with some investors. Kailangang may katulong siya't aabot sa P50 million ang budget ng movie, titled Rosario. Kaya ganu'n kalaki ang aabutin, dahil mula 1917-1936 ang tatakbuhin nito at iki-create nila ang buong era. Sa Dumaguete, Binondo, Quezon, Bataan at Hong Kong ang location nito. Under negotiation ang four major cast members, lalo na ang actress na gaganap na Rosario. Nabanggit ni Albert sina Claudine Barretto, Bea Alonzo, Kristine Hermosa at Marian Rivera sa kanilang kinu-consider. Si Maryo J. delos Reyes ang director ng movie tungkol sa buhay at pag-ibig ni Rosario Perrera, ang 1923 Manila Carnival Queen. * * * Parang Pasko at Bagong Taon ang atmosphere ng finale ng 2008 World Pyro Olympics sa rami ng tao na dumayo sa Esplanade sa likod ng Mall of Asia, last Saturday. Lahat nag-agree sa pagiging champion ng Team Italy represented by Parente Fireworks. Kahit natrapik at naglakad ang karamihan pauwi, kita sa mga mata nila ang tuwa sa napanood. Pinalakpakan ng tao ang 15-minute The Fellowship of Fire fireworks display at ang 20-minute Pyro Musical na gawa ng La Mancha Productions. Klik ang theme na cinema or Hollywood theme songs ng 20th Century Fox movies ang ginamit, gaya ng Superman, Mission Impossible, Jurrasic Park, Lord of the Rings, Star Trek, Indiana Jones at The Gladiator. Habang nakatingala at pinanonood ang fireworks, ipagmamalaki n'yo ang Team Philippines at balita namin, next year, pyro-musical na ang format ng fireworks competition. * * * NGAYONG Miyerkules sa Magdusa Ka, nag-iba ng taktika si Doña Perla (Liza Lorena) para makuha si Christine (Katrina Halili). Kinausap nila ni Olivia (Jackielou Blanco) si Toyang (Rita Avila) na pumirma na sa annulment kapalit ng magandang buhay ni Christine. Nagwala si Toyang at pinalayas sina Doña Perla at Olivia. Pagdating ni Christine, nagulat sa nakitang naka-pack na ang mga gamit niya at pinalalayas siya ng ina, dahil inilihim ang pagtanggap ng pera sa amang si Bernardo (Gardo Versoza). Kinaladkad ni Toyang ang anak at sinabihang 'wag nang bumalik. * * * Bagay sa nalalapit na pasukan ang title ng Wednesday episode ng Moms na My Favorite Teacher. Magbabalik-tanaw sina Aiza Segurra, JC Cuadrado, at Rica Peralejo sa mga naging teacher nila na nakatulong at naging inspirasyon sa pag-aaral. Napapanood pa rin ang Moms sa Q-11, 5 p. m. , Monday to Friday, hosted by Manilyn Reynes, Sherilyn Reyes at Lani Mercado. Source: People's Tonight |