|
|
| Roxanne Guinoo, Jake Cuenca a pairAuthor: GMANews.TV Nabuking ang pinakatatagong relasyon ngayon ng young star na si Roxanne Guinoo kay Jake Cuenca. Bulung-bulungan sila sa apat an sulok ng ABS-CBN bilang bagong lovers sa bakuran ng Kapamilya Network. Maraming pagkakataon na raw kasing nakitang magkasama ang dalawa. Sa huling taping nina Roxanne at ng ng ex-boyfriend niyang si Joross Gamboa para sa At Home Ka Dito, hosted by Charlene Gonzalez-Muhlach, hindi nailihim ng sexy young actress ang pagsundo sa kanya ni Jake habang naghihintay sa loob ng kanyang sasakyan ang binata. Hindi na sana mabubuking na naghihintay sa labas si Jake kung hindi nagpasabi ang young actor sa isa sa mga staff ng At Home Ka Dito na sabihin kay Roxanne na umalis na siya sa taping. Nagkataon kasi na yun ang huling taping nina Roxanne at Joross kaya naging emosyonal at natagalan bago umalis ang dalawa sa pagpapaalam sa buong staff na ilang taon din nilang nakasama. Habang si Jake naman daw ay tila naiinip sa paghihintay kay Roxanne sa loob ng kanyang sasakyan. May nakakita rin kay Jake nang sumunod siya kay Roxanne sa pupuntahan nitong birthday party sa Cavite after ng taping ng ASAP '07 sa Island Cove. Nakasunod daw ang sasakyan ni Jake sa kotse ni Roxanne na papunta sa venue ng party. Marami rin ang nakapansin na laging nakasunod at magkasama sina Jake at Roxanne sa live coverage hanggang sa taping ng ASAP '07 sa Island Cove two weeks ago. Pero kapag may nakakapansin daw sa dalawa, bigla silang naglalayo na tila ayaw magpahalata that there is something going on between them. Pero ang ipinagtataka ng mga nakahalata kina Jake at Roxanne ay kung bakit tila asiwa sila na ilantad ang kanilang relasyon. Pareho naman silang hindi committed sa iba at mukhang bagay naman si Cover Boy kay Cover Girl. - Philippine Entertainment Portal Source: GMANews |