Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Roxanne Guinoo, may trauma sa lalake!

Roxanne Guinoo, may trauma sa lalake!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

MATUNOG ang balita na ina­gaw raw ni Roxanne Guinoo si Sid Lucero sa non-showbiz girlfriend nito? Sabi, dahil kay Roxanne, naghiwalay sina Sid at ang syota nito?

“Hindi po ako ang dahilan. Nagkakaroon lang sila ng issue. Siyempre, non-showbiz ang girlfriend ni Sid, hindi niya naiintindihan ang sitwasyon.

“Ako kasi, hindi ko naman itatanggi na nag-bonding talaga kami ni Sid.

Kailangan `yon sa trabaho namin.

“Nung nalaman ko `yung balita, hindi ko naman kailangang magbigay ng violent reaction. Unang-una, wala namang sinasabi sa akin si Sid na nasa ganung sitwasyon sila ng girlfriend niya.

“At saka, ang feeling ko naman, nasi-settle naman nila ang mga issues nila.

“Nung nakausap ko si Sid, `yun ang sinabi niya, na hindi lang daw naintindihan ng girlfriend niya `yung sitwasyon.

“Siyempre, naiintindihan ko `yung feeling ng girlfriend niya. Kung ako ang nasa posisyon niya, mahirap talagang mag-adjust.

“Sa totoo lang, na­ilang talaga ako nung lumabas `yung balita. So, tinanong ko talaga si Sid.

“Ako kasi, kapag trabaho, trabaho lang talaga. Ayoko ring maapektuhan ang friendship namin, at ayaw ko rin naman ding maapektuhan ang relationship nila.

“Pero, hindi naman ako nainis sa isyu. At saka, `yun na nga, na-settle naman nila ang problema.”

Hindi itinanggi ni Roxanne na close sila ni Sid ngayon. Sabi nga, tila interesado talaga si Sid na ligawan si Roxanne.

“Recently lang kami naging close. At saka, kailangan talaga naming maging close, at mag-bonding, dahil masyadong intimate ang mga scenes na ginagawa namin sa Ligaw na Bulaklak.

“Pero, hindi ako ang pinagselosan ng girlfriend ni Sid, kung `yung mismong trabaho. Kung ang reason ng problema nila ay `yung mga scenes na ginagawa namin ni Sid, hindi ko alam.”

Kuwento ni Roxanne, nakilala na niya ang girlfriend ni Sid. Ilang beses na rin daw itong dumalaw sa taping nila.

Tinanong namin si Roxanne kung papayag ba siyang magpaligaw kay Sid.

Oo ang sagot niya.

“Okey lang kung ligawan niya ako, o ng kahit na sinong lalake. Para naman may magmahal sa akin. Basta, wala lang sabit, okey lang.

“Pero si Sid, nga­yon lang talaga kami nag-start mag-bonding. Pero, hindi ko siya tinatanong kung sila pa rin ba ng girlfriend niya o hindi na. Wala akong alam sa kanila.

“Pero kung manliligaw siya sa akin, okey lang. Ini-entertain ko naman kapag meron talaga. Ini-enjoy ko lang 'yung feelings na ganun.

“Si Sid kasi, mara­ming magagandang katangian. Marunong siyang magdala ng babae.

“Pero right now, ayoko munang magka-boyfriend!” hirit ni Roxanne.

Teka, bakit siya magpapaligaw kung hindi pa pala siya handa na magka-boyfriend? Baka naman paglaruan lang niya ang mga lalake?

“Mas maganda kasi na ma-enjoy ko muna `yung company nila. Kumbaga, mas maganda kung mabuo muna ang friendship.

“So from there, puwede mong sabihin kung ready ka na ba o hindi pa.

“Pero kung ang lalake, seryoso talaga, 'di magtiyaga siya. Ako naman, kapag may nanliligaw, at wala namang pag-asa, sinasabi ko agad na huwag na niyang itu­loy ang panliligaw.”

Sa tono ng pananalita ni Roxanne, tila may trauma na ito sa mga lalake, na parang nadala na talaga siya sa mga nakalipas niyang relasyon, na ang huli nga ay si Jake Cuenca.

Sabi ni Roxanne, matagal na silang hindi nagkikita ni Jake. Nakapag-move on na raw siya.

Okey rin kay Roxanne kung mag-hi and hello na lang sila ni Jake kapag nagkita sila.

“Okey na 'yung ganun. Wala rin naman kaming dapat pag-uusapan.

Alangan namang pag-uusapan pa namin 'yung past.”

Ayaw magsalita ni Roxanne tungkol sa relasyon ngayon nina Jake at Bea Alonzo. Wala raw siya sa posisyon para mag-comment.

Pero, napangiti si Roxanne nung tanungin namin kung ano ang nararamdaman niya kapag nakikita niyang magkasama sina Jake at Bea?

“Nung una ko silang makita na magkasama, ang nasabi ko lang, 'Ay, oo nga ano! Totoo pala ang tsismis!' Actually, sanay na akong makita sila. Ha! Ha! Ha!

“Every Sunday sa ASAP, nakikita ko sila. Okey lang naman,” say na lang ni Roxanne.

Well, kung bigo man si Roxanne sa pag-ibig, panalung-panalo naman siya sa trabaho. Bukod sa Ligaw na Bulaklak, heto at may bago na naman siyang show, ang Banana Split, kasama sina Angelica Pa­nganiban, Cristine Reyes, Valerie Concepcion, RR Enriquez, Dianne Medina, at Princess R­yan.

Source: Abante