Oct 12
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Roxanne ipakikita ang lahat sa 'Ligaw'

Napatunayan na ni Roxanne Guinoo na hindi lamang siya isa sa mga may pinakamagandang mukha sa industriya kundi isa ring mahusay aktres. In fairness, ipinakita niyang may ibubuga siya sa pag-arte sa kanyang mga nagawang TV show at pelikula tulad ng Na...

 

Roxanne ipakikita ang lahat sa 'Ligaw'

Column: Footloose
Author: Leo M. Bukas

Napatunayan na ni Roxanne Guinoo na hindi lamang siya isa sa mga may pinakamagandang mukha sa industriya kundi isa ring mahusay aktres.

In fairness, ipinakita niyang may ibubuga siya sa pag-arte sa kanyang mga nagawang TV show at pelikula tulad ng Natutulog Ba Ang Diyos, Palos at iba pa.

This time, ay sasabak siya sa pinaka-challenging na role bilang Leya Alegro, ang bida sa papalapit na daytime teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang Ligaw na ipapalabas na sa May 26, pagkatapos ng Wowowee.

Si Roxanne ay produkto ng Star Circle Quest, isang talent search sa ABS-CBN. Matagumpay na umusbong sa pagiging bata ngunit may kredibi-lidad na aktres sa paglipas ng mga taon.

Eto na marahil ang dahilan kung bakit siya ang napiling gumanap bilang Leya.

Ang Ligaw ay umiikot sa istorya ni Leya, isang babaeng nagnanais na buuin ang mga piraso ng kanyang malungkot at kumplikadong buhay. Magtagumpay kaya siya sa kagustuhan ni-yang maibalik ang lahat sa ayos o magbunga pa ito ng mga hinanakit na nakaugat mula pa sa nagdaan?

"Ligaw is about one beautiful girl's (Leya) desire to complete herself by finding her own family, true love," sabi ni Enrico Santos, Business Unit Head. "You will see a more daring Roxanne in Ligaw. "

Kasama ni Roxanne ang kanyang mga leading men na sina Sid Lucero (childhood sweetheart, Billy) at ang VJ at Kjwan member na si Marc Abaya (Francis).

Itinatampok rin sa Ligaw sina Ara Mina, Isko Moreno, Noni Buencamino, Jodi Sta. Maria, Dominic Ochoa, Chockoleit, Arlene Muhlach, Smokey Manaloto, Coco Martin, Joem Bascon, Erich Gonzales, Mateo Guidicelli, Carla Humphres, Jaymee Joaquin at iba pa.

Sa direksyon ito ni Andoy Ranay.

* * *

Ang Mendez Medical Group sa pakikipagtulu-ngan ng Philippine Laser Society ay malugod na iniimbitahan ang lahat para sa isang araw na demonstration at workshop para sa iba't ibang klase ng lasers (IPL at NdYAG).

Gaganapin ito ngayong Biyernes (Mayo 16), 10 a. m. to 2 p. m. sa Mendez Medical Group Clinic,3rd floor Center Atrium, Robinsons Place Manila,Padre faura Wing.

Magbibigay ng mga certificates pagkatapos ng nasabing workshop at para sa karagdagang impormasyon maari kayong tumawag sa mga numerong 3865564 o sa 3845571 at hanapin sina Chubs, Gen,Liz o di kaya'y si Joh.

Source: Taliba