|
|
| Roxanne, mahilig sa J!![]() Author: Alfie Lorenzo HABANG wala pang permanent na ka-love team, after her break up with Jake Cuenca, si JC de Vera na ba ang kapalit sa puso ni Roxanne Guinoo? Sabi ko na nga ba, hindi na talaga maawat pa si JC sa pagsikat, at sumusunod na talaga siya sa mga yapak nina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, at Dennis Trillo. Eh, kita mo naman, pati ang mga babae sa kabilang istasyon, siya ang napipiling makasama sa pelikula. Tulad nga rito sa Shake, Rattle & Roll X, siya ang leading man ni Roxanne! Eh, noon pa man, nung una kong sinermunan si JC, na huwag puro pambababae ang gawin, at tutukan ang kanyang career, nasilip ko na agad itong nangyayari sa kanya, na kapag naging matino lang siya, siguradong sisikat siya, at `yun nga ang nagaganap ngayon. Sa episode na Emergency nga ay makikita ang rapport nina JC at Roxanne. Sa kuwento, parehong nagtatrabaho sina JC at Roxanne sa isang obscure hospital, at kailangan nilang iligtas, hindi lang ang buhay ng kanilang mga pasyente, kundi pati na rin ang mga buhay nila. Eh kasi, palibut-libot lang sa hospital na `yan ang mga gutom na gutom sa dugo na ginagampanan naman nina Mylene Dizon at Wendell Ramos. “Ang maganda rito sa SRR X, I get the chance to work with other actresses na hindi ko makasama sa TV like Roxanne,” sabi ni JC. “Magaling na actor si JC, and I'm happy to be paired with him lalo na at wala akong permanent na ka-love team,” sabi naman ni JC. Pero siyempre, hanggang pelikula lang sila puwedeng maging magka-love team, dahil magkaiba nga sila ng istasyon na pinagtatrabahuhan, `di ba? Oh, sige JC, pagbutihan mo `yan. Muli, sersermunan kita na huwag mo munang atupagin ang mga babae, at career muna ang asikasuhin mo. Dahil kapag maganda na ang career mo, ang mga babae na ang pipila sa iyo, at mamimili ka na lang kung sino sa kanila ang magugustuhan mo. Teka, napapansin ko lang, bakit parang ang hilig-hili ni Roxanne sa letter J? Aba, matapos ang isang J na si Joross, at ang isa pang J na si Jake, heto at isa pang J na si JC naman ang kapareha niya! Naku, ano bang meron sa J? Masarap kaya ang J? Ha! Ha! Ha! Source: Abante |