|
|
| Roxanne, nasagasaan ni Valerie sa Dos?![]() Author: Jojo Gabinete SI Valerie Concepcion ang special guest co-host kahapon sa Wowowee at mainit ang naging pagtanggap sa kanya nina Willie Revillame, Pokwang at Mariel Rodriguez. Sa introduction ni Willie kay Valerie, sinabi niya na walang Kapuso o Kapamilya sa kanyang programa dahil lahat ng Filipino ay welcome sa kanila. "She is not Angel but she looks like an angel!" ang dagdag intro ni Willie kay Valerie na identified sa GMA 7. Ngiti lamang ang isinagot ni Valerie nang itanong ni Mariel kung kapamilya na siya. In jest, ipinahayag ni Willie na kapamilya na si Valerie at hinihintay lamang nito ang pagdating ni Angel Locsin para sabay ang kanilang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN. Si Valerie na nga ba ang magiging kapalit ni Roxanne Guinoo na nabigla nang sabihin sa kanya na tinanggal na siya bilang co-host ng Wowowee? *** "Part of the contract," ang consistent na sagot ng direktor na si Maryo J. delos Reyes sa tuwing pinipilit siya ng entertainment press na sabihin ang twist sa kuwento ng A Love Story, ang pelikula na pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Angelica Panganiban at Maricel Soriano. Idinadaan ni Direk Maryo sa biro ang mga sagot dahil ayaw niyang ma-preempt ang magiging reaksyon ng mga manonood ng kanyang unang pelikula sa Star Cinema. Tiniyak ni Direk Maryo na mamamangha ang moviegoers sa A Love Story dahil sa kakaibang kuwento nito. Malaki ang pasasalamat ni Direk Maryo kay Aga dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya. Si Direk Maryo ang direktor ng Bagets, ang unang pelikula ni Aga noong 14 years old pa lamang siya. Nakaramdam ng tuwa si Direk Maryo nang marinig niya ang pag-uusap nina Aga at Angelica sa set ng A Love Story. Dinig na dinig daw niya nang sabihin ni Aga kay Angelica na magtiwala ito kay Direk Maryo dahil hindi siya (Angelica) pababayaan ng kanilang direktor. May isang eksena sa pelikula na pinag-topless ni Direk Maryo si Angelica. Nang sabihin ni Direk Maryo kay Angelica na alisin niya ang kanyang pang-itaas, tumingin muna ang batang aktres sa kanyang direktor at kay Aga, saka siya sumagot ng "sige ho". Natuwa si Direk Maryo sa attitude ni Angelica dahil ipinakita nito na may tiwala siya sa kanyang direktor. Ang nabanggit na eksena ang isa sa mga highlight ng pelikula dahil sa walang patid na kissing scene nina Aga at Angelica na nagsimula sa baby swimming pool at umabot sa malaking swimming pool ng rest house ni Direk Maryo sa Los Ba�os, Laguna. *** Si Direk Maryo ang direktor ng Impostora, ang TV series ng GMA 7 na tinatampukan ni Iza Calzado. Matagal na (SUNDAN SA PAHINA 10) mawawala si Iza sa bansa dahil pupunta siya sa Canada para sa shooting ng Echo. Ayon kay Direk Maryo, nakunan na ang lahat ng eksena ni Iza sa Impostora kaya hindi maaapektuhan ng kanyang pag-alis ang taping ng nabanggit na TV series. *** Matitindi ang mga eksena ni Asia Agcaoili sa Bedtime Stories. Hindi nakapagtataka kung maging bayolente ang reaksyon ng mga moralista tungkol sa newly-released DVD ni Asia na tila magkakaroon ng volume 2 dahil hindi kumpleto ang mga episode sa unang version. Pinatunayan ni Asia ang pagiging mapangahas sa Bedtime Stories. Sa presscon ni Asia, nabanggit nito na P50,000 ang nagastos niya sa pagpapaturok ng G-Shot. Ayaw sanang magkuwento ni Asia tungkol sa G-Shot dahil hindi pa niya ito naisusulat sa kanyang kolum sa FHM pero napilit siya ng mga kausap na reporter. Mula nang magpaturok si Asia ng G-Shot, lalo raw siyang naging sexually active. Highly-recommended daw niya ang G-Shot sa mga babae na may problema sa orgasm. *** Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com Source: Abante |