Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Roxanne, tsinugi sa 'Banana Split'

Author: Vinia Vivar

SA Japan nakatakdang mag-spend ng Holy Week si Angelica Panganiban. Siyempre, kasama niya ang boyfriend niyang si Derek Ramsay with some of their friends.

Ibig lang sabihin nito, okay na okay talaga ang relationship nila ngayon contrary to reports na nagkakalabuan sila.

Say nga niya, tinatawanan na lang daw nila ni Derek ang mga issue tulad na lang nitong huli na may sinusundo ang aktor na kolehiyala.

Siyempre, nagulat ako, sino'ng sinusundo niya although alam ko nga, may mga friends siyang sinusundo nga talaga, 'yung mga barkada niya.

Tinanong ko lang siya kahapon, inaasar-asar ko. "Wala, tumatawa-tawa lang, tapos, sabi nga niya, 'yung mga ka-team niya sa Frisbee," sabi ni Angelica nang makasalubong namin sa ABS-CBN compound last Thursday.

Hindi raw siya nagseselos dahil kung talagang mangyayari raw 'yun, siguro raw ay talagang hindi sila para sa isa't isa ni Derek.

Anyway, naitanong namin kay Angelica ang bagong issue sa show niyang Banana Split. Diumano ay nire-reprimand sila ng MTRCB (Movie, Television Review and Classification Board) dahil may na-offend daw ang programa na mga cross-eyed people dahil sa isang episode na ipinalabas nila.

"Actually, kanina ko lang din nalaman, kasi 'yung executive producer namin, nagkaroon ng meeting with the heads of MTRCB. And hindi naman namin napag-uusapan 'yun sa set, and sa tingin ko, kung may na-offend man kami na mga tao, siyempre, kailangan naming mag-apologize and isa ako sa nag-a-apologize sa mga taong nasaktan namin.

"Ang hangarin lang naman namin ay makapagpasaya and siguro, hindi na namin naisip na lumampas na pala kami sa boundary na may nasasaktan na pala kami. Which ang thought lang naman is maging happy kaming lahat," paglilinaw ni Angelica.

Sa tingin naman daw niya ay naging okay ang pag-uusap ng EP nila and the MTRCB people at na-settle ang problema.

"Kasi kung hindi, baka pack-up kami ngayon," natatawa niyang say.

* * *

SPEAKING of Banana Split, we learned na tsugi na pala si Roxanne Guinoo sa nasabing gag show starting this April.

Next month daw kasi ay season 3 na ang show at magkakaroon ng reformatting. Ipapasok sa show ang Parekoy cast na sina Jayson Gainza, Zanjoe Marudo at John Prats.

Dahil may idadagdag, magbabawas naman sa original cast and unfortunately, kasama si Roxanne sa mababawas.

Ang rason na ibinigay ng source namin, tila hindi raw bagay si Roxanne sa ganu'ng klaseng show. Mas bagay daw sa young actress talaga ang drama. Ito raw ang forte talaga nito at hindi comedy.

Hindi lang namin alam kung paano tinanggap ni Roxanne ang nangyari dahil last Thursday, dapat ay kasama pa siya sa taping para sa pagtatapos ng season 2 pero hindi na ito sumipot.

Hinihinalang ikinaloka ng young actress ang pagkakatsugi niya kaya hindi na nakasipot sa final episode niya.

Bukod kay Roxanne, ang isa pang natanggal sa show ay si Dianne Medina.

* * *

ISA si Gian Sotto sa March birthday celebrants ng Star Magic. He celebrated his natal day last March 18 at isa sa birthday wishes niya ay makagawa ng isang action- packed movies tulad nina Robin Padilla sa local at Mel Gibson sa foreign.

Sa mga hindi nakakaalam, anak si Gian ng mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa kaya hindi kataka-takang mapunta rin siya sa pag-aartista.

Pero mukhang may balak din si Gian na sundan ang mga yapak ng daddy niya sa politika dahil aniya, kung talagang hinihingi ng pagkakataon, bakit hindi?

Sa ngayon ay may ginagawang indie film si Gian under Star Cinema with John Wayne Sace. Latest appearance niya ay sa Eva Fonda at Pieta kung saan ay gumanap siya ng mahahalagang papel.

Source: People's Tonight