|
|
| Roxxanes, nagsasawa na sa isyu kay JakeAuthor: Gerry Ocampo NAG-BORACAY daw si Roxanne Guinoo para sa isang Cinema One event at kung walang naging aberya, nakabalik na ito ng Maynila kahapon ng umaga. Ito rin daw ang ibinigay na rason ng kampo ni Roxanne kaya hindi nakapagpa-interview sa Entertainment Live nuâng Sabado at The Buzz kahapon. Isa pa, nakukulitan na raw si Roxanne sa paulit-ulit na tanong tungkol sa Guam incident nila ng ex-BF na si Jake Cuenca. Sa TV Patrol World">TV Patrol World na lang daw magpapa-interview si Roxanne dahil straight news ito at isasabay na rin ng actress ang promo ng Thrillecine nila nina Zanjoe Marudo at Niña Jose, na idinirek ni Ato Bautista. Samantala, naaawa naman ang mga taga-Star Magic kay Roxanne dahil sa negative write-ups na naglalabasan, kaya marami raw projects ang nawawala sa actress. * * * GAYA ng inaasahan, muling dinumog ng fans ang puntod ni Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery nuâng Undas. Kabaligtaran naman ito sa puntod ng mga artistang sina Ike Lozada, Julie Vega, Eddie Peregrina at ibang pang nakalimutan na yata ng balana. Malayo ito sa puntod ni Ricky Belmonte, na bukod kina FPJ, Rico Yan at Nida Blanca, bago pa nag-Undas, nakapaghanda na ang pamilya sa kanilang mauseleo at ginayakan ng mga sariwang bulaklak. Naging tahimik naman ang pagse-celebrate ng Undas sa Manila North Cementery, maliban sa ilang pasaway at matitigas na ulong kabataang nagdala pa ng ipinagbabawal na patalim sa loob ng sementeryo. * * * NAKIKIUSAP si Sen. Bong Revilla na huwag na munang pag-usapan ang pulitika dahil matagal pa naman ang 2010 at marami pang puwedeng mangyari. Mas gusto munang mag-focus ni Sen. Bong sa regular show na Kapâs Amazing Stories, na napapanood tuwing Sunday sa GMA-7. * * * TAONG higante at bahay na ginto. Mahirap paniwalaan, pero totoo ang mga napapanood sa Ripleyâs Believe It or Not, hosted by Chris Tiu tuwing Lunes sa GMA Telebabad. Source: People's Tonight |