|
|
| Ruben Gonzaga kinaawaan lang kaya naging 'big winner' sa PBBCE2Column: Eksenadora KUNG paramihan lang ng fans at suporta, wagi talaga si ex-PBB housemate Gaby dela Merced. Akalain ninyong mas marami pa siyang fans sa studio sa kahit saang TV show kesa kay Ruben Gon-zaga na naturingang Big Winner pa man din, huh? Eh, kaso pinaniniwalaang sympathy vote ang nagdala kay Ruben sa kanyang kinalalagyan ngayon and it really matters. Alam naman kasi ng lahat na galing din sa ordinaryong pamilya mula sa Davao itong si Ruben kung kaya't nagsikap nga siya para maiangat ang kalidad ng buhay nila. Unlike Gaby, na schooled at well-mannered, halatang may kaya sa buhay at may breeding. Atleta at modelo pa. Sa presscon ng PBB Big 4, tinanong si Gaby kung magpupursige ba siya sa pagpasok niya sa showbiz? "Well I'll see. I can't say much about my plans for now kasi wala pang offer, pero if ever I want to try hosting than acting. " sabi ng dalagang car racer. Type ni Gaby ang ma-ging sportscaster o di ka-ya'y mag-host ng isang show na gaya ng Sports Unlimi-ted. Naging cover girl din noon ang dalaga sa FHM at aniya, she feels good about herself. "I really felt good about it, I kept what I wanted and what I believed in," aniya. Dagdag pa ni Gaby, kung meron man siyang hindi ginawa na ayon sa gusto ng FHM, 'yun ay ang magsuot ng two-piece. Hindi pumayag si Ga-by na magsuot nito, pero ang mahalaga ay nagkasundo pa rin sila ng mga nasa likod ng sexy mag. Dahil dito, mas maraming guys ang nabuhayan ng interest kay Gaby. Akala kasi ng marami ay boyish ang dating ng atleta 'yun pala ay she also exudes sexiness kumbaga. How true na intimida-ted ang mga boylet sa kanya? Natatakot daw kasing manligaw ang guys, eh. Natatawa lang si Gaby dahil hindi naman ganoon ang nararamdaman ng boys niyang friends. Si Diether Ocampo, hindi intimidated sa kanya? "Hindi. In fact we're good friends. We're getting really okay now, we've known each other for four years. " Sabi pa ni Gaby na hindi maitago ang pagba-blush o pagkakilig kapag si Diet ang topic. Friends lang talaga? * * * BLIND ITEM: KAWAWA naman pala itong kontrobersyal na aktres. Sa kabila ng maselan niyang kalagayan ngayon bali-balitang mas inaalala pa raw ng kinilala ni-yang mga magulang ang sustento nila kesa sa nang-yayari ngayon sa 'anak' nila. Usap-usapan pa rin ang mga hirit ng magulang ng aktres na kesyo paano na raw sila nga-yong may bubuhayin at may bagong buhay nang tatahakin ang anak nila. Kung true man ito, nakalulungkot naman na may ganitong mga magulang pala, noh? Sa totoo lang, 'di talaga kami sang-ayon sa mga magulang na binubuhay ng mga anak unless senior citizen na. Kasi nga'y res-ponsiblidad ng mga ma-gulang ang mga anak nilang iniluwal dito sa mundong ibabaw. Ang mga bata ay para palakihin at alagaan, hindi para gawing tagasustento sa kanila. Sino siya? Maselan nga ang kalagayan niya ngayon, eh. 'Yun na! * * * SA gitna ng mainit na usapin ngayon tungkol sa uma-no'y hot car na pagmamay-ari raw ni Willie Revillame, vindicated naman ang TV host dahil inabswelto ng KBP ang Wowowee sa nangya-ring dayaan diumano sa Wilyonaryo months ago. Ayon pa sa KBP legal counsel na si Atty. Ru- dolph Jularbar, ang insidente ay design flaw lang at masusing inimbestiga- han mismo ng Standards Authority Committee ang kanilang paraphernalia na ginamit sa laro. Ni-review din muli ang tape ng naturang episode at nakita ang pagkagulat ni Willie sa nangyaring pag-kakamali. Ginawa na ng ABS-CBN ang rekomendasyon ng KBP na itigil ang laro o baguhin ang disenyo nito. Malugod itong sinang-ayunan ng network. Pinali-tan ito ng Bigtime Pera o Bayong na mas malalaki ang premyo. Source: Taliba |